Summer Vacation :))
Napilitang idilat ni Monique ang mga mata niya nang mapansin niyang parang may nagliwanag.. Oo.. Flash ng camera yun.. pero sino namang walang hiya ang mambubulabog sakanya sa gantong sitwasyon?
Pagdilat niya..
"SAHARAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! Ano ba.. wala namang ganyanan.." Tinabing ko yung camera niya. Pagkatapos nun e, nagtalukbong ako ng kumot.
"Baka gusto mo ng bumangon.. ha babae.." Sabi ni Sahara na di ko alam kung matatawa o magtataray.. haha.
"Ano ba.. ang aga pa kaya. Antok na antok pa ko."
"Hay nako. Mahiya ka naman kay Jhake."
"kay Jhake? " Bumangon ako at nagtanggal ng nakatalukbong na kumot sa mukha ko.
"Kanina pa rin kaya siya nag-aantay sa baba. Like, kasabay ko kaya siya magpunta dito."
"w-what?! You've got to be kidding me.. Tatawa na ba ko?"
"Tumawa ka na lang pag nakita mo na si Jhake sa baba. But for now, get up and ayusin mo sarili mo.. Im sure ayaw mo na yang ganyang itsura ang makita ni Jhake, right?" She made an evil smile.
Ako naman, dali-daling tumayo at nag-ayos ng sarili.. bat ba kase ganto kaagang nambubulabog mga to.. Ano bang problema nila?
Pagtingin ko sa cute wall clock ko..
"Yay..! It's already 10am. Anong oras ba sila nagpunta dito? 9? 8? 7? Nakakahiya.."
Na realized ko na okay na tong itsura ko.. much better sa itsura ko kanina paggising ko.
"Okay na ko, Sa----" Wala na siya sa kwarto. "Asan na yung babaeng yun? Kanina lang gagad na gagad na bumangon na ko.. tapos ngayon, iniwanan din ako.. Ano ba yan.."
Pagbaba ko..
Sa kusina ba namin galing yun? Di ako pwedeng magkamali..
FRENCH FRIES yun..
Pano ba naman ako magkakamali, eh favorite ko kaya yun.. hahaha
At teka, asan si Jhake? Akala ko bang andito siya..?
Nagpunta ako sa kusina..
And..
and..
"HUH?!"