CHAPTER ONE
GRADUATION
Sa wakas, tapos na ang apat na taon ng paghihirap. Graduate na sila! Pagkatapos ng picture taking ng mga magkakaklase. Nilapitan ni Jhake si Monique.
“Monique, pwede ka bang makausap sandali?” sabi ni Jhake na medyo nahihiya pa.
“Oo naman. Tungkol saan ba?” sabi ni Monique na nagtataka.
Huminga ng malalim si Jhake bago makapagsalita “Monique, I like you. Since una kitang makita nung first year palang tayo. Apat na taon akong naghintay para masabi ko sayo ang nararamdaman ko, sigurado na akong mahal kita. Kung pahihintulutan mo ko, pwede ba kitang ligawan?”
Oh my gassh! Totoo ba to? Si Jhake Stewart nagtapat saken. At nagtatanong kung pwede syang manligaw. Anong gagawin ko.?
“Seryoso ka ba? Gusto mo kong ligawan?”
“Oo, seryosong-seryoso. Pwede ba?”
Pwedeng-pwede.! Sabi ni Monique sa sarili niya.
“ahm, Jhake, kaya mo ba kong antayin?”
“anong ibig mong sabihin Monique?”
“Di pa kase ko handa magboyfriend eh..”
“naiintindihan kita. Pero sana pagbigyan mo kong manligaw sayo. Para na rin mapatunayan ko na mahal talaga kita.”
“Sige, papayag ako. Pero gusto ko magpaalam ka rin sa parents ko, para wala tayong problema kung sakali.”
“Gagawin ko yun. Kung yon ang gusto mo.”
“Monique! Halika papicture tayong dalawa sabi ni Tita(Mama ni Monique)” tawag ni Sahara kay Monique.
Sumenyas lang si Monique ng “sandali” kay Sahara.
“Jhake, sige punta na ko dun.” Aalis na nang biglang...
“Sandali Monique..”
“huh?”
“Para nga pala sayo.” sabay abot ng gift kay Monique.
“thank you ah. Nag-abala ka pa. Sige punta na ko dun. Thank you ulet”
Umalis na si Monique at pumunta kung nasaan sila Sahara at ang parents niya. Naiwan naman si Jhake na nakangiti pagkatapos....
“YES!” sabi ni Jhake after niya tumalon.
“uy pare! Anong meron? Ansaya mo ata.” Sabi ni Jiro
“wala to pare, basta masayang-masaya lang ako.”
“teka, si Monique nga ba yung nakita kong kausap mo kanina?”
“Oo,”
“ikaw ah..dumidiskarte ka na.”
Tawanan.
Nagsiuwian na ang mga graduates. Ang iba naman ay naglibot pa sa mga bahay ng classmates. Natapos nanaman ang isang yugto sa buhay nila at magsisimula nanaman ng panibago (college life)