Tristan’s POV
Ouch!!! My face really hurts! Nakakainis! Hindi ko inakala sa babae ako manghihina at magkakaganito! Bakit ba ako pinaglalaruan ni tadhana ng ganito!!! Ayoko nito!!! (>_________________<)
Kung anu-ano na mga pinagsasabi ko sa utak ko dahil sa sinapit ko sa babae iyon. Napansin ko din na ang taxi driver ay alala sa kalagayan ko at gusto sanang magtanong kaso nagdesisiyon na lang sigurong huwag makialam.
Mahigit twenty minutes bago ko pa narating ang destination ko. Pagkarating ko sinalubong na naman ako ng isang…
SUNTOK! (mabuti naman naiwasan ko)
“Tristan wala ka talagang matinong utak!!! Pinaghintay mo ako sa lugar na iyon tapos hindi ka pala sisipot ano ‘to hide and seek?!” galit na sabi ni Liam.
Si Liam Pin ang bass guitarist ng banda namin. Siya ang masayahin at optimistic sa aming apat. Maluwag niyang ipinapakita ang kanyang damdamin at hinaing niya sa isang bagay na mahalaga sa kanya at sa aming apat kaya tinuturing naming siyang pinakadaldal sa amin a.k.a. THE TALKER.
“Hoy Liam! Ang tagal mo kayang dumating! At huwag mo akong sisihin dahil kasalanan mo din noh!!!”
“Anong sabi mo?!
“Tama na kayo pareho naman kayong may mga kasalanan! Ikaw Liam, tinawagan ikaw ni Tristan na mabilis na pumunta doon pero marami ka pang pinag-aabalahan bago ka pa pumunta doon kaya hayon hindi mo inabutan si Tristan! At ikaw Tristan, saan ka ba pumunta?! Ikaw pa ‘tong tumawag at magpapakuha tapos ikaw naman ay wala!” suno-sunod na sumbat ni Kevin.
Si Kevin Lim ang drummer ng banda namin. Siya iyong mabait at mahiyain sa aming apat. Likas siyang cute at kadalasan nakakamalaang babae na ibang tao. Nagiging maingay lang siya kapag nagiging tagapamagitan namin sa tuwing nag-aaway ang magkakabarkada at kung mayroon siyang gusto maparating o makuha. Kahit maituturing naming siyang babae sa banda namin a.k.a THE LASSIE, ayaw na ayaw sa tawag na iyon dahil lalaki siya pero wala siyang magagawa kasi iyon na ang tawag namin sa kanya.
“Sa loob na lang ninyo pag-usapan niyan kasi sa oras ngayon pinagpipyestahan na ng mga fans natin ang ginagawa niyo diyan.” sabi ni Luke.
Si Luke Chen ang rhythm guitarist sa banda namin. Siya iyong medyo serious at conscious one sa aming apat. Siya din ang nagpapaalala sa amin sa mga possibilities na gagawin ng mga fans namin kung nasa loob at labas kami ng bahay kaya medyo aware na kami dahil sa kanya. Kaya tinuturing namin siyang pinakamatalino sa amin a.k.a THE SMART ONE.
“Mabuti pa siguro dahil ang sakit ng namamagang parti ng mukha ko at makapahinga pa nga.” sabi ko
And lastly, I’m Tristan Takumi the band vocalist and lead guitarist. Itinuturing nila akong leader a.k.a. THE COOL ONE dahil sa kilos at pananamit ko. Sad to say ako iyong lalaki na sinuntok ng wagas ng babae iyon sa prisinto at hanggang ngayon namamaga pa rin ang parti ng mukha dahil sa suntok niya. Pero pinapangako ko makakaganti ako sa kanyang ginawa sa maganda kong mukha!!!
Anyways, ako, si Luke, Liam at Kevin, kami ang bumubuo sa bandang Abvolt. Ang pinakasikat at tinitingala na banda sa panahong ito. Handang gayumahin at paibigan kayo gamit ng boses at instrumento kaya girls…
Are you ready?
“Hoy Tristan! Nagdaday dreaming ka na naman dahil siguro sa namamagang parti ng mukha mo noh???” pang-aasar ni Liam
BINABASA MO ANG
Ms. Terror (The Unexpected Love)
Teen FictionHigh school life ang maituturing na memorable ng part sa buhay ng isang tao. Dito nararanasan ang mga kakaibang mga trip tulad ng cutting classes, sabunutan ng buhok, pag-aaral para sa mga long exams at higit sa lahat maranasan mainlove. Paan...