CHAPTER 2: THANKS FOR SAVING ME MR.

30 2 0
                                    

* MICAELLA'S POV*

-KRING KRING KRING-

Hhmmm.. Pagka-patay ko ng alarm, pumunta na akong banyo upang maligo. Tumingin ako sa salamin kaso napasigaw ako dahil sa mukha ko. Shocks! Is this me? My eye bugs are so big then. Wooaaahh! My hair looks gigantic! Boom sabog!

Ugh! Bakit ganito itsura ko? Toothbrush muna tapos ligo tapos bihis.. hihi! Isusuot ko ba yung binili namin kahapon sa Mall? Isusuot din kaya nila? Siguro sinuot nila. Baba na nga ako para kumain! Pagkababa ko, meron ng pagkain sa dining table. Pero.. bakit isa lang? Wala ba sila Mommy?

"Yaya! Asan po sila Mommy?" Tanong ko kay yaya. Napakunot tuloy yung noo ni yaya at lumapit sa akin. Eh? Bakit ganyan itsura niya?

"Ma'am, umalis po sila para sa business nila. Si Tita mo po, umalis para puntahan yung asawa niya sa bahay nila. Ma'am, may iniwan po na sulat Mommy mo sa tabi ng refrigerator. Basahin niyo na lang po." Sabi ni yaya. Pero bakit hindi nila sinabi sa akin? Pumunta lang ba si Tita dito kahapon para makita sila? Binigyan ba ako ni Dad ng ganong kalaking pera kasi aalis sila? Unfair naman! Miss ko na sila.

"Ahh.. sige po yaya. Thank you po." Wala na yata akong ganang kumain. Pero ayaw nila Mom na nilalagpasan ko yung mga meals ko. Kaya kakainin ko nalang tapos titignan ko yung sulat sa tabi ng refrigerator namin. Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na akong kumain at dumiretso sa refrigerator namin. Ayun, meron ngang sulat. Pero bakit naka-envelope?

Dear Araina,

Anak, aalis muna kami ng Dad mo para sa business ha? Sorry di ko nasabi sayo kagabi. Next month pa siguro kami makakabalik, pero susubukan ko makipag usap sa boss namin para mapadali yung uwi namin. Anak, wag mo lagpasan yung oras ng pagkain ha? Kapag kami bumalik tapos pumayat ka, ay naku! Papakainin ka namin ng papakainin sige ka! Tapos, meron kaming iniwang pera ng Dad mo na 500,000,000 sa kwarto ko. Kunin mo nalang. Wag mo yon uubusin ng ilang araw ha? Sige anak. Aral ng mabuti habang wala kami ni Dad mo. Kapag may nagtangkang awayin ka, wag mo lalabanin ha? Bye anak! We love you!

Loving you,
Your Mom and Dad

Aaawww.. miss ko na sila. Haay. Ok mom and dad. I'll study hard even tough my strength are not with me. I should go to school now. Di dapat ako magmukhang mahina kahit wala sakin ang lakas ko. Gusto kong maging malakas at gusto kong maging independent. Ayaw kong inaasa lahat sa mga magulang ko. Dapat matuto na akong tumayo mag-isa.

Pagkatapos kong kumuha ng pera dun sa ibinigay nila Mom and Dad, nagpahatid na ako sa driver namin. Pagkadating ko sa school, may sumalubong na 5 babae sa harap ko at tinignan ako mula mukha hanggang paa tapos parang nandiri sa itsura ko. Yumuko nalang ako. Nabigla ako ng hinawak niya ang baba ko para makita ko ang mukha niya.


"Pangit naman lahat ng nasa mukha mo, bakit ka tinulungan ni Jaidon? Eh, magaganda lang naman ang mga tinutulungan niya pero tinulungan ka niya. Layuan mo siya. Tss. Don't expect that he likes you, understood?" Sabi niya

"Why would I follow your command? Your still a stranger to me." Sabi ko sakanya. Ehh, baka naman maganda talaga ako sa paningin niya kaya tinulungan niya ako? Chos! Napaka feelingera ko talaga! O kaya naman naawa lang siya sakin?

"Well then, magpapakilala nalang ako. Ako si Andrea Chua. Ang napaka yaman, napaka maldita, at napaka gandang babae sa buong school na ito. Kaya nga I'm the school princess here. Don't you know that?" Sabi niya. Psh. Maganda siya? San banda?

"Hindi kita kilala. Kaya wag na wag mo na akong kausapin ulit. I'm just a transferred student. So I don't know much about this school." Sabi ko. Tumaas naman ang kaliwang kilay niya at nag smirk. So, matatakot na niyan ako? Pero dapat wag muna akong lumaban kasi baka makick-out ako. Lumapit naman siya sa akin.

My life is so BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon