CHAPTER 3: WEIRD!

14 2 3
                                    

*CHARIANE'S POV*

Nandito kami ngayon sa gym. Magde-decorate kami para sa Intramural next month. Ako at si Gary ang naka-assign sa Swimming pool. Ang hirap pala magdecorate kapag kulang ang mga gamit. Tss. Lalo na tong kasama ko. Ang hirap paki-usapan.

"Oy Char!!! Paano natin ide-decorate tong pool? Ang hirap!" Psh. Hindi ka nag-iisa. Ano naman pwedeng ilagay dito? Tss..

"Oy Gary! Nahihirapan din ako noh! Eh bakit kasi bibig yong pinapagana? Utak dapat Gary! Utak!" Sabi ko habang tinuturo ang utak. Napa-iling nalang siya.

"Eh kung baguhin nalang natin yung pintura ng wall? Gawin nating light at dark blue atsaka white? Tapos bigyan natin ng banderitas sa itaas." Suggest ko.

"Oo sige! Tapos ayusin nalang natin yung mga gamit tapos paghiwa-hiwalayin. Ayusin na din natin mamaya yung diving boards.. Ok?" Sabi niya. Tumango nalang ako.

Maayos din naman palang kausap si Gary eh. Dapat ganito nalang siya palagi para di siya nakakainis. Kaysa naman sa palagi niya akong inaasar. Tapos aasarin ko siya pabalik, anong mangyayari? Edi gulo. Sawa na ako sa mga away.

Ano kaya ang mangyayari sa Intrams? Mananalo ba kami? Sana manalo. Pero di pa namin alam kung sino yung kalaban. Pero kahit hindi pa alam yung kalaban, todo practice na yung mga contestants sa school namin.

Tulad ngayon, may nagpa-practice ng swimming, basketball, volleyball, badminton at iba pa. Contestant si Araina at Larra sa volleyball at badminton. Matangkad kasi sila, tapos varsity daw si Araina sa school niya dati.

Si Larra naman, marunong siya sa badminton at volleyball. Kapag sem-break, pumupunta kami sakanila, maa-abutan namin siyang pawisan at naglalaro ng volleyball kasama mga pinsan niya.

Yung mga S5 naman, mahilig sa basketball. Kapag may laban sa basketball, palagi silang kasali at nananalo. Pero natalo na sila sa mga Wesfields University. Simula nung natalo sila, todo practice na sila palagi.

Well ako, mahilig lang ako kumain at mag-cheer. Kasama ko si Sandy at Gina. Kami nalang palagi yung hindi kasali sa mga extra curricular. Well si Gina nakipag-laban na ng Math. Nasali siya sa Division pero hindi natanggap sa Finals.

Si Sandy nasali na siya sa News writing sa Filipino. Ako naman Editorial Cartooning yung sa drawing. Ganun din kami, nasali sa Division pero hindi nasali sa Finals.

To be honest, marunong naman si Sandy. Kaya napili siya sa News writing kasi kapag nagte-test kami, palagi siyang perfect sa mga essays niya. Kaya naaman ako napili sa Editorial Cartooning, kasi marunong ako mag-drawing.

Pagkatapos namin linsin yung pool area, na-isipan na naming umuwi kasi magga-gabi na masyado. Aba! Himala, hindi ko pa nakikita yung mga 4 na bruha.

" Chariane! Tara na! Uwi na tayo. Nakakatakot kasi dito sa pool area eh. Diba maraming multo dito? Atsaka sa Science at Laboratory Room?" Sabi ni Gary. Anak ng! pina-alala pa niya! Huhu! Marami kasi talagang mumu dito.

"Gary, hintayin mo ako. Pupunta lang akong banyo para umihi." Sigaw ko habang nakatingin sakanya. Nakita kong nag-ok sign siya. Pero tingin ko may sumusunod sa akin habang papunta sa banyo. Huhu!

Pgkatapos ko mag-ayos at umihi, lalabas na sana ako pero naka-lock yung pinto. Pero hindi naman ito naka-lock kanina ah? Pilit kong binubuksan yung pinto at pilit akong sumisigaw pero walang tao eh. Iniwan ba ako ni Gary?

"Wala bang tao diyan?" Sigaw ko pero waang sumagot. Huhu! Iiniwan na talaga ako ni Gary! Walang hiya kang lalaki ka! Malalagot ka sakin bukas! Di ba niya alam na nakakakita ako ng multo?! Grrrrr...

My life is so BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon