Araina Micaella's POV
*knock knock*
"Pasok po!" Aish! Kung maka-katok naman wagas! Makatingin nga muna sa orasan. O.O 5:30 palang naman ah! Haaay, tayo na nga ako!
"Ella anak, maghanda ka na." Huh? Bakit naman ako maghahanda ng ganito kaaga? "Tumayo ka na dyan. Maligo ka na tapos kumain ka sa baba. Pinag-luto ka na ng Mommy mo." Sabi ni yaya Monique.
"Eh ang aga pa po." Napahawak naman sa noo ko si yaya. "Ella, may sakit ka ba? First day of school mo ngayon anak." Sabi ni yaya. Takte! Oo nga pala. Bakit alam nila ako hindi? Tanga ko talaga!
"Oo nga po pala. Ah sige yaya, maliligo muna ako." Sabi ko sabay takbo sa banyo ko. Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na akong maligo.Lumabas na ako sa kwarto ko upang kumain.
"Good morning Mom! Good morning Dad! Good morning kuya!" Sabi ko nang naka-ngiti. Lumapit si Mom sakin tapos hinalikan ako sa pisngi. Ganon din si Dad at ang kuya ko.
"Araina, bakit hindi ka naka-uniform?" tanong ni daddy habang naka-kunot ang noo. "Hayaan mo na po ako dad! Hindi po uso sakin ang uniform. Tsaka di po yun uso sa mga 4rth year sa school namin." Sabi ko. Narinig ko nalang na natawa si Dad sa sinabi ko.
Habang kumakain, nagkwentuhan lang kami nang kung ano-ano. Bago ko makalimutan, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Araina Micaella Smith. Mayaman, mabait at isang nerd. Nagsusuot ako ng malaki at makapal na glasses kahit hindi mapula mata ko. Wierd noh? Tsaka sa school lang ako ganon. Meron akong isang gwapo't magandang Tatay at Nanay. Meron din akong kapatid na lalaki, ang pangalan niya ay Andrew Michael Smith. Isa siyang model. At usually, sa ibang bansa siya nakatira. Tinutulungan niya din sa business si Dad.
"Uhmmm.. Dad, Mom, Kuya, alis na po ako." Sabi ko. Pumayag naman sila. Duuh! Kaysa naman sa hindi! "Sige anak, tawagin mo na si manong. Magpahatid ka na." Sabi ni Dad. "Sige po. Bye po!" Sabi ko sakanila. Pagkatapos ko tawagin si manong, pinasakay na niya ako sa kotse.
"Ma'am Araina, nandito na po tayo." Sabi ni manong. "Salamat po manong! Balikan niyo nalang po ako ng 4:30". Tumango nalang si manong.
Pagkapasok ko sa school, all eyes on me. Haaay.. masanay ka na Micaella!! Aish.. hayaan ko na nga lang.. *tingin sa relo* 7:00 palang! 30 minutes pa! Pupunta muna ako sa board. Tumakbo ako pero minamalasan nga naman, may nakabangga pa sakin. Ayan tuloy, una pwet! Sakit!
Hinihintay ko hanggang sabihin niyang sorry tsaka tulungan akong tumayo pero bakit wala? Tininan ko kung sino naka bangga sakin. O.O kaya pala hindi ako tinulungan.. yung mga S5 pala. Yung mga sikat sa school. Malala pa, yung leader pa naka bangga ko. Aish! Ipapa kilala ko na nga!
Gary Punzalan. Pure Filipino. Siya yung pinaka matino sakanila. Kaso cassanova siya. Hindi lang pala siya. SILANG LAHAT pala.
Jaidon Punzalan. Pure Filipino. Oo , pinsan niya si Gary. Sabi nila halos natitikman na niya yung mga babae sa school..
Kenneth Kim. Half Filipino at half Korean. Gwapo, mabait at gentleman siya.
Neilter David. Pure Filipino. Pinaka madaldal sakanila. Siya palagi yung nagpapa-tawa sa mga ka grupo niya. Palagi siyang nag papa-cute. Cute naman!
Kurt Nathan Park. Half Filipino at half Korean siya. Mayaman, masungit, heartthrob, mayabang. Pero marami pari ang may gusto sakanya dahil siya ang pinaka-gwapo sakanila.
"Psh. Let's go" Sabi ni kurt. Aba! Siya yung naka bangga sa akin ah! Pero nagulat ako ng puntahan ako ni Jaidon. Tinulungan niya akong tumayo at tinignan kung nasugat ako.

BINABASA MO ANG
My life is so BEAUTY
Roman pour AdolescentsSi Airina Micaella Smith ay mayaman, at mabait. Maganda siya ngunit isa siyang NERD na palaging inaapi o naaapi. Ayaw na ayaw niya ang center of attraction. Ano kaya ang mangyayari kapag nagka gusto siya sa isang Kurt Nathan Scott na mayaman, heartt...