A/N: YAH! I'M BACK :D /sings/ It's been a long day without you my friend, and i'll tell you all about it when I see you again.. we've come a long way from where we've began, and i'll tell you all about it when I see you again~ Pfft. HAHA sorry, nabaliw lng si author eh XD matagal na din since nagUD ako dito, 'cause something came up. Naks! english yuuuun HAHA Oh, btw.. SORRY SA MGA TYPO. AGAIN ^^
Thanks nga pla sa support kahit na hndi kagandahan tong story nyehehe! uh.. one more thing.. please cooment? i want to see how i did in the story. pfft (-3-) english ulit? HAHA SORNA! ;))
---
*Dream
"Hoy! ano ba? 'wag ka kayang tumakbo!" sigaw ko sa lalaking naka talikod na tumatakbo sa gitna ng madilim na paligid.
huminto siya, hinawakan niya ang upuan na ngayo'y nasa gitna naming dal'wa. plastic chair lang ang nagiging pagitan namin.
pero nagulat ako sa nakita kong lalaki'ng nasa harapan ko ngayon..
si waejhan.
"B-bakit?.." sabi ko
wala akong natanggap na sagot galing sa kanya, ngunit kumaway-kaway lang siya. kaway lang ng kaway hanggang sa.. siya ay naglaho.
--*end
agad kong naibuka ang mga mata. natunganga ako saglit sa bubong pero bumangon nadin. ano nga yun? pagtatanong ko sa sarili. sinusubukang alalahanin ang naging panaginip.
kumuha ng tuwalya, at pumasok na ako sa CR para maligo na.
sinarado ko ang pinto.
umupo ako sa inidoro at nagisip. ano nga yun? tanong ko ulit sa sarili.
nang sa maalala ko siya.
"B-bakit?.."
natunganga nanamn ako, pero ngayo'y sa pader na. paulit-ulit na sinasabi iyon ng sarili ko sa aking isip na parang isang bidyo na naka play. "B-bakit?.." at ulit nanaman nito.
ramdam ko ang paginit ng aking mukha,
kaya ay binuhusan ko na ang sarili ng malamig na tubig para magising sa katotohanan.. na.. ayaw na niya.
umupo ako sa sahig at niyakap ko ang aking mga binti.
hindi ko mapigilang hindi matanga. kaya binuhusan ko nanaman ang sarili ko ng malamig na tubig. nagmukha na akong basang sisiw. suot-suot ko pa ang aking damit-pantulog. hndi ko na nahubad dahil sa pagkakawala sa sarili.
nilunod ko ang aking mukha sa balde na puno ng malamig na tubig at inahon ito. hindi ako magpapakamatay no! ano sya? sinswerte? punyeta! pakamatay siya sarili niya! oh ayan, nabibitter na'ko. paano'ng hindi? eh hindi niya kasi pinaintindi sakin eh. di niya pinaintindi kung bakit ganun..
***
pagkarating ko ng eskwelahan ay sa clinic parin ang dapo ko. half day akong nagmukmok sa luob ng cubicle sa clinic. paano? sinabihan ko lang ang guro na masakit ang ulo ko at masakit din ang tyan ko. iyon din ang sinabi ko sa nurse sa clinic, and she bought it. nakapasok ako ng clinic at half day akong hndi pumnasok ng klase.
masaya na sana.
kung wala lang tong bigat na nararamdaman ng puso ko ngayon.. masaya sana ang pagcutting ko. Oo, cutting na tawag dito. hindi naman kasi tlga totoo na masakit ang ulo at tyan ko. sadyang artistahin lang. kasi kung sasabihin ko din namang masakit ang puso ko, papapasukin ba nila ako?
syempre hindi.
kaya eto, tunganga ako sa kortinang naka palibot sa kung saan ako naka higa.
naglabas ako ng bunton hininga.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ikaw Na (A.K.I.N)
Teen FictionSi Shiko na Maygusto SANA kay Jhan ngunit nag bigay daan para sa Dalawang Bestfriends niya. tama nga ba ang desisyon niyang iyon? ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang may gusto rin sa kanya ang taong binitawan niya nuong una palang? magkatu...