Shiko's POV
napatayo ako sa pagkakaupo sabay ang pagpalo sa lamesa dahilan para mapatingin ang mga tao sa paligod ko. "a-ah.. sorry. excuse me," binit-bit ko na ang bag ko at lumabas na ako ng canteen.
derederetso akong lumabas ng gate.
wala namng guard, buti nga..
"para po!" sigaw ko dun sa jeepney driver.
pagkaupo ko sa may tabi ng driver, isinandal ko ang ulo ko sa gilid at naglabas ng isang mabigat ng buntong-hininga. "mukhang problemado ka,ija" biglang pagsimula ng driver. "ay wala po ito kuya-manong-driver.."
"ang haba naman nun ija. alam mo? andami ng umupo dyaan na mga sawi sa pagibig, mapababae man o lalaki." nilingon ko si manong driver para matingnan ang expression ng kanyang mukha. "tama ba ako ija?" at tiningnan ako ni manong tsaka binalik ang tingin sa daan. nagbuntong hininga lang ulit ako.
"ija, kung hindi man nagging kayo ng iniirog mo ay baka dahil hindi lang siya ang para saiyo.. malay mo may hinahanda ang panginuon para saiyo."
sinandal ko ulit ang aking ulo sa gilid, "eh siya yung gusto ko.." sabay nagpout. "hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo. may mga bagay talagang hindi nakalaan para saiyo.."
"pero diba po kung gusto mo, magtatrabaho kang mabuti para makamit iyon?"
"inuulit ko ija, hindi lahat ng gusto nakukuha." at ngumiti si manong. "mukhang dito ata ang baba mo?" napalingon ako sa labas at nakita ko ang isang ice cream parlor. "ah mukha nga po.. sige po manong, salamat." bumaba na'ko at kumaway bago maka alis si manong.
habang naglalakad ako bigla ko nalang natantong nakakakilabot si manong driver. "bakit alam niya?" it made me shiver a bit. pero nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggat sa maka pasok akong ice cream parlor na.. inangat ko aking tingin.. "I scream four you.." pagbasa ko sa pangalan ng parlor.
leche..
I scream for you daw.. nakakabanas ah.
kahit anong paraan pa ang pagsigaw na gawin ko, hinding hindi niya maririnig ang sigaw ng puso ko..
kahit gaano pa ka lakas, bingi parin siya sa boses na aking nilalabas..
"miss, papasok ka ba?" nabalik ako sa reyalidad ng may kumausap sakin. "ah Oo kuya guard. pasensya po.." pumasok nako at naghanap ng mauupuan.
paano kaya kung magkita kami dito?..
hindi. hindi yan mangyayari.
eh paano kaya kung makakahanap ako ng bago, dito?..
syet. talande, kaka heart break lang may bago na agad? ugh.
nalingon ako sa glass window, at dumungaw sa labas..
lakas ng tama ko sakanya.. sa sobrang lakas, di ko alam na lalagpas lang pala at di na mananatili ng pangmatagalan. ayan tuloy nabutas puso ko..
*sigh*
"excuse me ma'am.."
"ma'am? ma'am."
"ma'am kung di po kayo mago-order, lumabas na po kayo. bawal po tumambay dito."
nilingon ko ang babaeng nagsasalita. butet. panira moment ah. "ano bang--"
"ah excuse me." napatingin kami ni ate masungit sa likuran niya. "oy sorry natagalan ako, kanina ka pa ba?" napatitig ako sa lalaking bigla-bigla nalang umupo sa tapat na upuan ko. "ayy sorry ma'am, may kasama po pala kayo." sabay pacute pa si ate sa kasama ko ngayon. "oh, eto." bigay niya sakin ng ice cream na Potchi flavored. shet fav ko.. "uhh, salamat?.."
ngumiti lang siya.
"who you?"
nawala ang ngiti niya at napalitan ng nabanas na mukha. "ikaw na tinulungan, ikaw pang nanghu-who you? di ba pwdeng mabait ang pagkatanong? suplada." sabay kain ng ice cream ng mixed flavor. "ayy sige, take two.. ehem! kuya sino po sila?" may halong pacute pa na ngiti.
"ayan. ang cute mo kapag nakangiti. kaya kung sino man yang nagpapalungkot sayo, hindi siya ang taong deserving sayo." at dinikit niya sa gilid ng labi ko ang tissue na kulay pink, sabay bitaw.
amazing, dumikit yung tissue ah..
"tsaka, linisin mo din mukha mo." sabay tawa ng mahina. pota ang lande nito ah. "ano bang kailangan mo ha? binanggit mo pa talaga yung problema ko. kabanas ka!" pagsusuplada ko saknya. "wala namn, nakita lang kasi kitang mag-isa dito. tas mag-isa dn namn ako kaya share nalang tayo g table. tsaka parang malulunod kana sa sobrang lalim ng iniisip mo at mabaliw kana kaya kausapin mo nalang ako.."
na mema ako sa sinabi niya..
what the..
"di nga kita kilala eh!"
"kaya nga diba? mas mabuting ng magkwento sa di mo kilala kasi di rin naman na tayo magkikita pa, pwedeng-pwede ka magdrama sa harap ko.." sabay kindat niya.
natameme ako at tinitigan lang siya. "matutunaw ako, este ang ice cream mo.. kainin mo nayan." at doon ko naalalang may ice cream pa pala akong di nagagalaw. "problema??" tanong niya ulit. "gago siya.." napahikbi nalang ako bigla. tumayo galing sa upuan si kuya di ko kilala at tumabi sakin, hinimas-himas niya ang likod ko. naka yuko lang ako habang umiiyak para di niya makita ang pangit kong mukha na umiiyak.
"kahit di mo nakwento, naunawan kita. hayaan mo, makakahanap ka din ng mas better sakanya. yung hindi ka na papaiyakin ng ganyan. kita ka iiwan."
inangat ko aking mukha para tingnan si kuya unknown, "pangalan mo nga pala kuya pogi??"
"Erik." ngumiti siya at pinunasan ang mga luhang dumadaloy saking pisngi. "ako na.."
"gusto mong maglakad-lakad tayo?"
di na ako nagisip pa at tumayo na deretso.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ikaw Na (A.K.I.N)
Novela JuvenilSi Shiko na Maygusto SANA kay Jhan ngunit nag bigay daan para sa Dalawang Bestfriends niya. tama nga ba ang desisyon niyang iyon? ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang may gusto rin sa kanya ang taong binitawan niya nuong una palang? magkatu...