Chapter 1: The Start

31 1 1
                                    

Aliya’s POV

“Sige naman na po papasukin nyo na ako” sabi ko doon sa guard.

“Hindi nga pwede” sabi nung isang guard dalawa kasi sila eh.

“Sige naman na oh!” sabi ko ulit.

“Hindi nga pwede! Late ka na eh!” sabi ulit ni manong guard.

“Sige na po!” sabi ko ulit tsaka hinawakan yung braso nung isang guard.

“Hindi nga pwede! Ang kulit mo!” sabi ulit nya tsaka ako tinulak.

“Ow!” sabi ko napaupo kasi ako eh

“Hindi ka na nga pwede! Ang kulit mo! Umuwi ka na! nag-aaksaya ka lang ng panahon!” sabi ni manong guard.

May nagpayong sa akin umuulan kasi ng snow

“Ayos ka lang ba? Ayoko naman na magkasakit ka” tanong nung lalaki tsaka inabot yung kamay nya para tulungan ako makatayo.

Inabot ko naman yung kamay ko

“Ah, oo, salamat” sabi ko.

“Sino ka naman?” tanong ni manong guard

“Examinee” sagot nung lalaki

“Mga manong guard, sige naman na po papasukin nyo na sya tignan mo oh gusto nya talagang makapasok, late nga sya pero meron pa namang 30 minutes bago ang exam” sabi nung lalaki.

“Hindi pwede! Late ay late!” sabi ni manong guard.

“Sa pagiging late nya na ganyan hindi sya pwedeng maging student dito sa Saotome Academy” sabi pa nung isang guard

“May reason yan” may biglang nagsalita na boses lalaki.

“Eh?” sabi ko tsaka tumingin doon sa lalaking pababa ng sasakyan nya.

Kaya sya late kasi tinulungan nya yung batang nawawala, kung alam ko lang na itong si Little Lamb ay mag-eexam  dito sa Saotome Gakuen, I would’ve give her a lift” sabi pa nya

“Yung batang tinulungan nya, nawala yung payong nya” sabi pa ulit nya

Nilabas nya yung payong ko

“Wag kang mag-alala binilhan ko sya ng bagong payong, at mukhang nagustuhan nya iyon” sabi nya sa akin

“Ang opinion ko, ang studyanteng tinulungan ang nawawalang bata ay exactly lang sa school na ito” sabi nya tsaka inabot sa akin yung payong ko.

“Tama!, kaya  papasukin nyo na sya” sabi nung unang lalaki na nagligtas sa akin.

“Sige naman na po” sabi ko

“Ilang beses ba naming sasabihing hindi! nga pwede, hindi ka naming pwedeng papasukin” sabi ni manong guard

“Sige na umuwi na kayo!” sabi pa ulit ni manong guard.

Bigla namang tumunog yung telepono nung isang guard

“Hello?” tanong nya

“Opo! Sige po!” sabi nya ulit

“Ok na, pwede ka nang pumasok” sabi nya sa akin

“Pwede ka nang pumasok, gagawa sila ng exception, pwede ka nang kumuha ng test” sabi nya

Princes of SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon