JADE'S POV
Hindi niya talaga makuha yung papel ko. Hahaha. At dahil napagod na siya naglakad na kami papuntang clin. Lab at nagpass na ng papel. Iniwan na lang namin sa student assistant at umalis na. busy lang siya sa cellphone niya habang naglalakad kami. Ako naman nakapamulsa lang. nakasalubog namin sa hagdan sina Charles at dale kasama yung kaibigan din ni Alyssa.
"pre san ba kayo pumunta?" tanong ni Charles
"sa field. Gumawa kami ng activity"
Tumango naman silang dalawa at biglang nagsalita si Alyssa.
"oh bakit magkakasama kayo?"
"hinanap kayo namin, heller bigla kaya kayong nawala" sagot ni Cristina
"ahhhhh, mukha ngang naghahanap kayo eh" natatawang sagot ni Alyssa
Tumambay muna kami dun at nagkwentuhan. Ang saya ng mga kaibigan ni Alyssa, ang lakas magpatawa. Parang nakadrugs! Hahaha! Feeling ko talaga magiging close kaming anim eh. Parehas yung mga trip namin. Goodvibes lang sila at parang ang sarap pa nila kausap. Yung dalawang mokong di naman pala kwento pero eto ngayon ang daldal nila. Nagpapacute pa ata sa mga kaibigan ni Alyssa eh. Hahaha
"ay teka, bibili lang ako ng tubig" singit ni Alyssa at tumayo na.
"sige, sa room na lng kami" sagot ni kassey at naglakad na sila
"sama kami" pahabol naman ni Raphael "pre tara"
Tumayo na rin kami ni Charles at pumunta na sa room. Andun na rin ang ibang classmates namin. nagkwentuhan din kami nina Charles at Raphael sa ibang classmates namin. Puro basketball lang din naman yung topic. Pagtingin ko sa pintuan saktong kakapasok lang ni Alyssa. Ngumiti ako sa kanya at tinanguan niya rin ako. nagsibalik na rin kami sa mga upuan namin dahil pumasok na yung teacher namin.
Nagbigay lang siya ng overview nang subject namin tapos ilang mga house rules tapos nagdismis na rin siya. balik kwentuhan naman kaming lahat. Ang gulo nga ng classroom eh, hahaha ang close na agad namin. Especially yung dalawa kong bestfriend na nakatabi na naman kay Cristina at Kassey. Mga Ogag talaga! Galawang chickboy eh! Joke lang. NGSB si Charles, habang si Raphael may isang naka MU dati.
"uy Jade" napatingin naman ako sa nagsalita
"bakit?" classmate ko pala na si Troy
"may naghahanap sa'yo sa labas"
"sino daw?"
"di nagpakilala eh"
"sige pre, salamat," at pumunta na ako sa labas.
TANGINA! NATULALA AKO SA KANYA.
"hi Jade"
Lumapit siya sakin at hinawakan niya kamay ko.
Bumalik ang sakit. Lalo na nang niyakap niya ako. hindi ako makapagsalita at hinayaan ko lang siyang yakapin ako.
"I missed you"
"anong ginagawa mo dito?" yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"ang cold mo naman" natatawa niyang sabi at halata na pilit yung tawa niya.
Hindi ko alam kung manhid ba siya oh nagmamanhidmanhidan lang. tangina niya!
"ditto na ko mag-aaral" nagkatinginan lang kami at puta ang sakit. Ang sakit kasi ganyan din yung mga tingin niya sakin nung huling beses kami magkita.
Hindi ako sumagot at nagiwas ako ng tingin sa kanya. Saktong lumabas sina dale at Charles at nagulat din sila dahil andito siya.
"ooo-yy" awkward na bati nung dalawa.halata na nagulat din sila dahil andito siya. Kupal talaga eh!
"Charles, Dale. Sige, una na ko parang ayaw din naman ng kaibigan nyo na andito ako" habang sinasabi niya yun nakatingin siya sakin.
Nung nakaalis na siya napatingin yung dalawa sakin
"ano? Pasok na nga tayo" alam kasi nila yung nangyari dati. Hindi na din sila nagtanong at pumasok na lang din. Dumiretso na ako sa upuan ko at napasandal sa mesa ko.
Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Tangina! Isang taon na ang nakalipas eh! Okay na ako eh! Pero bakit ba ang sakit? Yung sakit noon at yung ngayon parang pareho lang.
"classmates! Wala na daw tayong clase pwede na umuwi"
Hiyawan naman classmates ko at ako tumayo na rin at nagligpit.
"oy jade" napatingin ako kay alyssa
"okay ka lang?"tanong niya at tumango na lang ako tapos umalis na.
ALYSSA'S POV
Tiningnan ko lang siya habang papaalis. Ang weird niya, kanina okay naman kami ah tapos ngayon parang ewan siya. lumapit ako kina Charles at dale.
"boys, anyare kay Jade? Bakit parang badtrip?" tanong ko sa kanila at napatingin din sina Cris at kassey sa kanila.
"na broken hearted ulit eh" natatawang sabi ni Dale "aray!" at binatukan naman siya ni Charles.
"wala lang yun, lagi namang badtrip yun eh" sagot naman ni Charles."halika kana nga Dale! Kupal mo!" nagbabye naman sila samin at umalis na. nagtatalo pa sila nung palabas ng pinto. Mga ewan talaga!
Nauna na yung dalawa sakin kasi naman nagligpit pa ko ng gamit. Hehe slow mo kasi ako gumalaw. Pababa ako ng stairs ng may marinig ako na kumakanta. Pumunta agad ako sa may little theatre para silipin kung sino ang kumakanta. Infairnesssss ang ganda ng boses.
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world
Pagpasok ko umupo ako sa pinakalikod na upuan at medjo madilim naman kaya hindi ako makikita ditto. Pagtingin ko sa may stage..oh em! Si JADE!
SIYA YUNG KUMAKANTA! SHEMAYYY
Ang ganda nga ng boses niya pero parang ang lungkot. Yung parang damang dama niya talaga yung kanta. Tagos na tagos eh! Nakakacurious tuloy yung sabi ni Dale. Lumabas na ako at dumiretso na sa parking lot. Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Dale, yung kanta ni Jade! Ano ba! First day na first day ang drama na agad!! Jeskelerddddd!
BINABASA MO ANG
Mess We've Made
Teen FictionI looked at him as a Friend until I realized I Loved him