[ALARM CLOCK RINGS]
Bumangon agad ako at pumunta sa bathroom. Humarap ako sa salamin at ang ganda ko talaga! Parang gusto kong magselfie at lagyan ng caption na I woke up like this pero huwag na lang kasi tinatamad ako. Naligo na lang ako at nagbihis na.
"ma'am breykpast na po kayo. I cook bicon and ham. It your peyborit dba?"
Yan na naman si yaya micel eh, hilig magenglish. Tumango na lang ako at nagstart nang kumain.
"ya, pakitawag nga yung driver matatapos na ako dito."
"sige" sagot ni yaya micel at lumabas na.
Nagtoothbrush na ako at kinuha na yung bag ko. Lumabas na rin ako at nagpaalam na sa katulong namin. First day of my college life starts today! Grabe! Di ko alam kung bakit medtech yung kinuha kong course. Kasalanan to nina Cristina at Kassey eh!
beeeeeeeeeeeeeeep
*message from Cristina
Speaking of......hahaha
-Hey bish! Where are you? You are so tagal-
Kita mo to, ang arte masyado. Upakan ko kaya to pagdating ko. Hahaha dejoke lang! di ko na lang siya nireplyan kasi naman andito na ko sa gate at papunta na sa room. Habang naglalakad ako, nakakita ako ng 100 sa floor. Wow naman, kapag sineswerte ka nga naman oh! Pupulutin ko na sana, ng bigla itong gumalaw. Ano to? May sariling buhay? Pupulutin ko na sana ulit nang gumalaw na naman ito. Bwisit to oh!
"first day of school prank ba to?!" inis na inis kong sabi. Nakngtinapa! Umalis na lang ako at pumunta na sa room. Pagdating ko dun hinanap ko agad sina cris at kassey. They waved at me at padabog akong umupo sa seat ko.
"hoy ang aga aga badtrip kana?" tanong ni kassey.
"bwisit kasi" sagot ko sa kanya at bigla namang sumulpot si cris.
"Alyssa marie! Can you not be bitchy today?" natatawa niyang sabi.
I glared at her "English ng English. Tumahimik ka nga!" she just laughed at me. Nyeta talagaa. Lumabas na lang muna ako.
Nagbabasa ako ng mga tweets sa Phone ko ng may mabangga ako. S h i t. tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.
"wow, ikaw pa galit? Ikaw yung tatanga tanga?." Sabi ni mr I don't know who.
"eh di sorry" sagot ko at pumunta na sa cr.
Nawala na badvibes ko after kong mag-cr kaya naman bumalik na ako sa room at nakipagchismisan sa mga classmates ko. Pumasok na yung teacher namin kaya naman ay nagsiupuan na yung iba kong kaklase. Nagulat ako nung tumigin ako sa right side ko at nakaupo dun si mr. I don't know who. Napatingin din siya sakin at napa-tss. Yabang! Feeling naman! Hooy di ko gusto na ikaw katabi ko!
"goodmorning class! Welcome to Uno-R. Im miss Lovely Quizon"
"goodmorning Miss" bati namin sa kanya.
"okay now, lets get to know each other. Introduce yourselves, huwag mahiya ha?"
Great. Ughh! At isa isa nang nagpakilala ang mga kakalase ko. Grabe may mga galing pa ng ibang bansa.
"Hi Im Cristina Lizares"
"hello, im Kassey louise Reyes"
Ay okay. Ako na pala.
"hi, ako nga pala si Alyssa Marie Diaz"
"Jade Joaqin Flores" ahh yan pala pagalan nya
"Charles Marquez po" at may pasalute pa siyang nalalaman.