Chapter 3 ~AWKWARD~

10 0 0
                                    

ALYSSA

Hello day 2! Bakit ba excited ako ngayon? Hahaha shempre chichismisin ko mamaya si Jade. Curious ako masyado eh. Early bird ako ngayon at andito na ko sa school at papunta na sa classroom. Pagpasok ko si Jade nakaupo na sa seat niya at napatingin sakin.

"wow early mo ha" sabi ko sa kanya at umupo na rin sa tabi niya.

"ikaw, bakit ang aga mo?" tanong naman niya.

"wala lang, bawal?" umaandar naman po ang kasungitan ko. Haha zarreh! Hindi na niya ako sinagot at pinaglaruan niya na alng ang ballpen niya.

Hindi na nga kami nagpansinan at ang tahimik ng paligid. Ano ba!! ang awkwaaaard! Bigla namang nagsalita yung katabi ko.

"totoo pala no,"

Napatingin naman ako sa kanya "ang alin?"

"yung "if you want to kill someone tell them that you love them and never talk to them again""

"ha?" bakit ba natatanga ako ngayon?

"kasi namatay nga ako. namatay yung puso ko" bigla niyang sabi at tumingin sakin.

Yung mga mata niya, sobrang lungkot. Ano ba kasi ang pinagdadaanan niya? Bakit siya ganyan?!

"alam mo, siguro hindi ka talaga mahal nun kasi kung totoo yung sinasabi niyang mahal ka niya hindi siya mawawala, hindi ka niya iiwan kahit ano pa ang dahilan niya or kahit ano pa yung nangyari that someone will find ways para iprove yung sinasabi niyang mahal ka niya."

Oh my ghad sakin ba talaga galing yun? Shet lang ha.

Tinapik niya yung balikat ko at ngumiti siya sakin

''siguro nga no, salamat ha"

Tumingin rin ako sa kanya at na AWKWAAARD AKO! hinampas ko siya sa braso. Nagulat naman siya.

"ewan ko sa'yo Jade, drama mo!" at tumawa na lang ako pero na a-awkward talaga ako sa kanya ngayon.

"alam mo ang seryoso na eh, tapos bigla kang gaganyan. Kupal mo rin eh"

Nagtawanan na lang kami at napatingin ako sa relo ko.

7:45

"hoy jade! Bakit tayo pa lng andito?? 7:45 na ah!

"potek!" napatingin ako sa kanya "nasa Gym sila ngayon"

At dun ko lang naalala may freshmen orientation pala kami ngayon! Taenaaa!! Takbo na agad kami sa gym ni Jade at pagdating namin dun nagsisimula na. hinanap na namin yung kaklase mga kaklase naming.

Ano baaaa! Ang daming tao!

*Cristina calling

[hello]

[lys, where are you na ba??? kanina pa kita tinetxt ha]

[andito sa may entrance! Asan ba kayo?"]

"Alyssa, nahanap mo na ba sila?" tanong naman ni Jade

[hoy sino kasama mo?]

[si Jade. Asan na nga kasi kayo?]

[soos! Nagdate pa kayo. Right side. Sa green na flag]

[geh.bye] at binaba ko na ang phone ko. Mamaya ko na sha uupakan sa pinagsasabi niya.

Nang makarating kami sa kanila, tumabi agad ako kay Cristina. Si Jade naman tumabi sakin.

"oyy nagdate kapa" may pabulong bulong pa siya.

'hoy Cristina. Umayos ka!" I glared at her

"sooss pakipotssss si Ateng" at may pa yee yee pa siya napatingin tuloy si Jade samin.

"pepektusan na kita!"

"hahahahahha. K" kita mo to ang sarap talaga pektusan eh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mess We've MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon