TOTGA

43 1 0
                                        


"Brad! Nasagap mo na ba ang balita?" Tanong ni Vhong pag pasok nito sa opisina nya na walang katok-katok. Prenteng umupo ito sa upuan habang tinaas pa ang paa.


"Ang alin? Na pepektusan kita pag hindi mo tinantanan ang pagtawag sakin ng brad." wika nya ng hindi tumitingin rito. Hindi din nya talaga maintindihan na sa kapal ng make-up nya brad pa din ang tawag ni Vhong sakanya.


Anyway, Marami syang designs na kailangan tapusin kaya wala syang balak makipag harutan dito o tumingin man lang sa kausap.


Napakamot naman ito ng ulo. "Sungit mo 'teh!" Pabaklang sabi ni Vhong. "Eto na nga Viceral, may reunion ung batch natin tomorrow night."


Tinignan muna nya ito bago nag salita. "Alam ko. Pinadalhan ako ng email ni Anne." Si Anne ang Student Council President nila noong college pa sila at barkada din nila hanggang ngayon.


"Ayos! Pano, sabay ba tayo pupunta?"


"Hindi ako pupunta."


"What?! Brad naman. Wag kang KJ! Pupunta lahat ng tropa." Tumayo ito at lumapit sa kanya, kinuha ang drawing materials nya. "Puro ka trabaho. Mag chill ka muna."


Pinilit naman nyang kunin pabalik ang kinuha nito. "Amina nga yan, Vhong! Alam mo naman na marami akong trabaho na kailangang tapusin."


"Sus. Ang sabihin mo, may iniiwasan ka lang makita." natigilan sya. Meron nga ba? Napansin siguro nito na natahimik sya kaya natawa ito. "Wag kang mag-alala brad, for sure nakalimutan na nya yun. Masyado ka kasing paasa eh."


Paano kung hindi nya nakalimutan? Paano kung galit pa ito sa kanya? Mas mabuti pang hindi na lang sya magpakita kesa masira ang gabi nito. "Che! Lumayas kana nga Vhong. Basta hindi ako pupunta, tapos!" Sa wakas ay naagaw na nya ang drawing book nya. Bigla namang lumungkot ang mukha ni Vhong.


"Ikaw bahala. Iingitin kita."


Nag kibit-balikat nalang ito makitang hindi sya magpapapilit. Lalabas na sana ito ng humirit pa, "Ayaw mo talaga? Balita ko pupunta din si Dandan." Panunuhol nito sakanya. Si Daniel na crush nya noon, varsity ito ng football at ubod ng gwapo.


He laughed and rolled his eyes. "I Don't Care, Vhong. Maraming Daniel sa Valkyrie." he smirked. Tinignan muna sya nito kung sigurado na sya bago umalis. Nginitian na lang nya ito ulit.


Pag kaalis ni Vhong ay hindi na maalis sa isipan nya ang taong nasaktan nya noon. Ang taong mahal naman nya pero naduwag sya. Kasi nga.. bakla. Napailing nalang sya sa naiisip. Dapat hindi nya na ito naiisip dahil walong taon na rin ang lumipas.


"Naka move-on na yun. Ikaw ba?" tanong ng kanyang sekretarya nya na si Buern, kapwa bading.  "Pinagsasabi mo?" Sabi nya habang nakapikit. Alam naman nya ang tinutukoy nito, ayaw lang nya mag mukhang deffensive.


"Narinig ko kayo ni Papa Vhong, deny pa more. Anyway, pupunta kami ng mga beks. Wala kang tao sa shop bukas kaya sumama kana meme." Kabatch nya rin ang mga ito. Small world divine?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If (ViceRylle) | One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon