an//: Dapat Last Week pa 'to. Kaso hindi ko matapos tapos. HAHAHAHAHA! Enjoooy~ Sorry agad sa mga mali. Kahit maganda nagkakamali. Ehem.
Monday. August 17, 2015. 10am.
Maaga pinapasok ni Direk Bobet ang lahat ng staff at host para sa short meeting before airing. Halos kumpleto na lahat sa studio, may iba nalang hinihintay kabilang syempre ang always late na si Vice.
"Congrats again, K! I think kailangan mo na talaga magkaroon ng solo concert." Anne said with matching clapp.
"Tama! Ang galing galing mo kaya. Tuwang tuwa si Felie habang pinapanuod ka."
"Thanks guys! You know how much thankful i am na nakanood kayo." Karylle said sincerely.
"Parang Araneta ung energy nung mga nanunuod! Iba kana talaga K." si Vhong.
"Napanuod mo kuya, Vhong?" sabat ni Ryan.
"Hindi. Napanuod ko sa instagram. Wag ka ngang ano." niyakap ni Vhong si Ryan pasakal na tawa ng tawa.
"Mas lalo nung unang repeat! Pano, hinarana nya si Wakla kaya ung nga babies halos mawarak ung mga vocal cords. Kaloka!"
"Balita ko nga eh. Sayang hindi ako nakanuod. Edi sana may POTD!" kinikilig na sabi ni Jugs.
Natawa nalang si Karylle sa mga ito. Ganun talaga ang mga ito. Kahit offcam, pusher pa rin ng ViceRylle. Naiilang man minsan, pero mas more ung natatawa. Nagpatuloy pa ang chikahan.
Ilang saglit pa ay dumating na si Direk Bobet kasabay nito pumasok ang nakabusangot na si Vice. Agad namag tumabi si Vice sa pagitan ni Karylle at Anne na nakaupo sa audience seat. Pinagsiksikan talaga nito ung sarili nya. Hindi naman nawala ang pang aasar ng BillyVhong sa kaibigan.
"Hulaan ko, napagalitan ka ni Direk noh?" natatawang sabi ni Billy.
"Pano, sinabihan na nga na pumasok ng maaga. Ang ginawa umuwi ng umaga!" gatong ni Vhong. Nag apir naman ang dalawa at nakitawa na din ang ibang host.
Inirapan nalang ni Vice ang mga ito at yumakap sa braso ni Karylle. Halatang wala ito sa mood para makipag harutan. Hinawakan naman ni Karylle ang kamay ni Vice na nakapulupot dito. Unconsiously, napangiti si Vice. Ngiting ipis.
"Alelele! Si mommy oh, biglang ngumiti. Bagay kayo mommy." panunukso ni Ryan.
"Okay. Meron na kong pa-POTD sa mga Vicerylle."
Lilingon pa sana si Vice kay Jugs nang biglang dumating ang direktor kasama si Boss Railey. "Good morning everyone! Kaya ko kaya pinatawag lahat ng maaga, may gusto lang akong sabihin. Maikli lang naman ito." Nag siayos naman ang upo ang lahat at tutok sa sasabihin ni Direk.
"First of all, gusto ko lang i-congratulate lahat sa successful nang ginawa natin last saturday. Hindi man ganun kataas ung ratings, pero hindi naman tayo nag pahuli." Nagpalakpakan naman ang lahat habang nakangiti.
"Sana mapanatili o mas mahigitan pa natin. We need more improvements sa lahat ng segment natin. Alam nyo naman ung sitwasyom natin ngayon Right? I need to do some adjusments for the show. Is it okay?"
Nag tanguan naman ang lahat. "Ano yun direk?" tanong ni Teddy.
"Well, napag usapan namin ng management at ng mga writers at yung magandang gawin. Actually, ung AlDub lang naman ung pantapat nung kabila na meron naman tayong pantapat."