Taxi

77 2 0
                                        

Tulala pa rin si Karylle habang nag aabang sya ng masasakyang taxi. Dulot ng matinding hiya, hindi na siya nagpahatid kay Yael. Hindi naman ganun kakapal ang mukha nya para magpahatid dito pagkatapos nyang makipagbreak.

Nasaktan nya si Yael. Nasaktan nya yung taong naging tapat at nagmahal sakanya ng totoo. I loved him. Loved.. Past tense. Hindi ko sinasasyang mafall out of love. Sadya lang talagang tuluyan na syang nainlove kay Vice.

'Tama bang nakipag break ako kahit walang kasiguraduhang mahal din ako ni Vice' Iyon ang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isip habang nakatanga sya sa kawalan. Isang sasakyan ang napansin niyang paparating at pinara niya iyon. Wala parin sya sa sarili nang sumakay siya sa backseat at sinabi sa driver ang address niya. Pagkatapos ay binalikan naman niya ang katangahan niya.

Naramdaman nalang nya ang pagpatak ng kanyang mga luha at ilang sandali lamang ay humagulgol na siya ng iyak. "Ang tanga tanga ko talaga." aniya sa pagitan ng pag-iyak. "Alam nyo ba iyon, manong driver? Ang lalaking matagal ko ng pinangarap ay hiniwalayan ko dahil sa baklang yun. Hindi ko alam kung bakit ako na-inlove dun eh mas babae pa yun sakin. Manong alam ko pong nakikilala nyo ko, wag nyo nalang po ikalat sa FB, twitter or instagram ha? Nakakahiya."

Wala syang pakialam kung ano man ang  maging impresyon sa kanya ng taxi driver ngayon. Basta naiiyak sya, ay iiyak sya. At wala namang ibang nakakarinig sakanya kaya tinodo na niya ang paglalabas ng sama ng loob.

"Wala na kong mukhang maihaharap kay Yael. Kilala nyo si Vice Ganda diba? Malamang sobrang sikat nya. Sa mga mata ni Vice, siguradong isang kaibigan o kaloveteam lang ako. Ay baka hindi kaloveteam kasi sabi nya, never syang nag kaloveteam." Patuloy pa rin siya sa paghagulgol. "Hindi ko naman sinasadyang mainlove kay Vice. Bakit kasi sobrang pafall nya? Nanunuod po ba kayo ng Showtime? Parang lagi nalang ang pogi nya sa paningin ko kahit ang OA ng make-up nya."

Kinagat kagat nya ang basang panyo niya dahil sa sobrang panggigil sa kanyang sarili. Hanggang mapansin niyang may inabot na tissue paper sa kanya ang driver. Tinaggap nya iyon.

"Thank you po." Suminga siya sa tissue papaer. "Hindi naman ako umaasang mahal din ako ni Vice. Pero bakit gano'n? Tuwing magkasama kami, he always treated me like her girlfriend? Masyado na po ba akong assuming?"

Tinignan nya ang suot nyang dress. "Pati yung susuotin ko nadadamay na. Ayaw kasi ni Vice na maikli ung sinusuot ko, nagagalit sya. Bakit ganun?"


"Mas bagay naman talaga sayo yung dress na above the knee lang. Para hindi ka mabastos."


"Thankyou manong ha? Alam mo ba yan din yung sinasabi ni Vice sakin?"


"Talaga? Anong sabi?"


"Yung sinabi nyo ho kanina. Manong, naman eh. Hindi naman kayo nakikinig." Kumuha uli sya ng panibagong tissue paper mula sa tissue box na inabot nito sa kanya.


Hindi na ito kumibo. Napakagat-labi siya. How she wished she could talk to someone at the moment, someone who would let her pour her heart without laughing at her. Tamang tama sana si Manong driver sa role na iyon. Ang kaso..

Napahinto siya sa pagnguyngoy nang mapansin niya ang rosarry tattoo sa braso nung driver. Nadagdag pa ang tattoo stars sa leeg nito..


"Oh no..." sambit niya nang makilala ang driver. "Am i dreaming? It can't be.."


What If (ViceRylle) | One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon