Gulp.
Hindi ko kaya 'to.
Ayaw ko sa pinagagawa ng pesteng gurang na 'yun.
Ayaw ko. Ayaw ko. AYAW KO!
Ako si Calliope Scriven...
Second year architecture student ng kilala at prestihiyosong Zadkiel International University...
Nakatayo sa harapan ng gym no. 3...
Hawak ang papel na nagsasaad ng mga katagang "Men's Volleyball: Managerial Application Form"...
Maaari ko bang idagdag na ako'y napamura nang ibinigay ito sa akin ng aking propesor?
"You need to be more active in terms of extra-curricular activities, Ms. Scriven." Ika ng matandang gurang na 'yun.
Sa totoo lang, ang literary club lang ang aking sinalihan noong high school. Wala akong hilig sa ibang mga organizations, lalo na sa sports.
Pambihira naman kasi talaga 'tong si Tadhana, eh.
Itong lampang katulad ko?
Tatagal sa isang volleyball club?
Oh, please.
BINABASA MO ANG
Mood Setter
Teen FictionI'm Calliope Scriven. Isang writer na mayroong writer's block. Nagtatanong ka kung bakit ako nagsusulat ngayon? Simple lang ang sagot ko. Si Hiroto Montenegro at ang kanyang volleyball club.