Chapter Six - Irritated

30 3 2
                                    

A/N: Record breaker chapter 'to guys! WHOOO, ONE THOUSAND WORDS!

Hahaha, anyway, vote and comment pls.

Lovelots, my royalties~!

~~~~~

Sobrang lakas na tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya. "To be honest, Callie, hindi ko talaga in-expect na papayag kang sumali-"

"I had no choice." Desperadang sagot ko sa kanya. Ayaw kasing maniwala sa akin, nako! "Nakakainis 'yung Vice-Captain nila! Sobrang antipatiko niya, Felix! Kung alam mo lang.."

"Really?" Tanong niya ng may malisya.

Hindi ko siya pinansin at sinabing, "Someone's gotta step up and forcefully shove his own medicine down his throat."

"But you did confess na type mo siya." He pointed out. Nyeta naman 'tong kausap. 

"Yes, he's handsome, I admit, at ang gwapo ng boses..." Sagot ko, "But fuck him! He wasn't even apologetic nung hinulog niya ko, much less nung nasikuhan niya 'ko sa mukha!"

"Uh-huh." Bigkas niya na may halo pa ring malisya.

"Manahimik ka, Felix. Alam ko 'yang tono ng boses mo, ha." Hamon ko sa kanya. Ito talagang lalaking 'to, oh. Nakakainit ng dugo.

Tumawa ulit siya. "Wala pa akong sinasabi, Callie."

"Felix, I've known you for almost all our life so don't give me that shit."

"Yes, mom." Pang-asar niyang sabi, "Pero tapatin mo ako, hindi mo naman siguro ipapapatay 'yang kaawa-awang vice-captain ng VB club, 'di ba?"

Natawa ako dun sa tanong niya. "It's tempting... But no. Anong saya ang madadala nun? Mas masaya kung papahirapan natin siya."

"At paano mo gagawin 'yan?" Tanong niya nang dahandahan. Ramdam kong pinakikiramdaman niya ang kasalukuyang mood ko.

Napangiting-aso ako. "Felix, I have resources... And I have you." Dagdag ko nang may sarkastikong tamis sa boses ko.

"Oi, babae. Hindi mo ako idadamay sa kahigaran mo." Sumbat n'ya sa akin.

'Nu raw? "Kahigaran? Ano?"

Napa-'hmph' siya sa kabilang linya, "'Yang pagiging higad mo. Kumakati ka na eh." 'Nu ulit 'yung sinabi n'ya?

Medyo hindi kumukonekta ang WiFi ko. Medyo lang. "Punyeta ka, Felix, ano bang pinagsasasabi mo?!"

"You said you like the guy..." Dahandahan niyang sabi, "And you're going to torture him. Parang tsundere lang ang trip mo, Callie?" Paliwanag n'ya.

Tsundere, my ass. "Leche ka talaga. Humanda ka sa 'kin bukas--"

"Miss, we're here." Napatigil ako nang napagtanto kong nandito na pala kami sa bahay.

Nginitian ko 'yung driver ko at sinabing, "Thanks, Mr. Hyun."

"You're welcome, ma'am." Sagot niya nang may respeto kahit na mas matanda pa siya sa akin.

"Felix, gotta go." Sabi ko kay Felix habang kinuha ko ang aking bag. "Talk to you later."

"Yeah, sure. Bye." Binaba ko ang linya matapos iyon at bumaba sa kotse. Napatingin ako sa bahay namin. Napakalaki ng bahay (o mansyon) namin para lang sa akin, sa kuya ko at sa iilang nga katulong namin. Bihira kasing umuwi ang nanay at tatay namin dahil sa mga "business trips" nila sa ibang bansa.

Kadalasan, pupupunta ang mga pinsan kong si Khel at Akio para makitulog at maki-stay. Minsan nga, parang dito sa bahay na rin lang sila tumitira. Napabuntong hininga ulit ako. Kung wala sila Khel at Akio, sigurado ring wala na naman si kuya. Baka makikitulog sa isa sa napakarami niyang mga girlfriend. Baka pagtungtong n'ya ng trenta, tita na ako ng pagkarami-raming pamangkin.

Jusko po. 'Wag naman sana. Masisira ang reputasyon at pangalan ng mga Scriven sa mundo ng negosyo. At baka maaga akong tumanda. Hindi ako papayag!

Binuksan ko ang pagkalakilaking pinto namin. Mukhang marami akong masusulat ngayon dahil sa mga nangyari kanina- "Celestiiiine!" May sumigaw ng malakas at niyakap ako ng mahigpit. "You're home!"

"Uh, bakit ka nandito?" Tanong ko sa nanay ko na parang mas mukhang bata pa sa akin dahil sa make-up.

Hindi siya katulad ng myga tipikal na itsura ng mga mayayaman at matapobreng nanay sa mga teleserye. Dalaga pa rin siyang tingnan kahit na lagpas kwarenta na ang edad niya. Sexy at maganda pa rin ang hubog ng katawan niya kahit dalawa na kami ni kuya na nanggaling sa sinapupunan niya.

That's what I call the magic of 'retoke'.

Ngumiti siya sa akin habang pinisil ang mga pisngi ko. "Well, I missed my little muse!" I swear, mas bata pa ang ugali ng babaeng 'to kaysa sa akin! Sinampal ko paalis ang mga kamay n'ya sa mukha ko. Ang sakit sa pisngi ng mga bagong manicured na kuko niya. Nako, napakaluho talaga ng babaeng 'to.

"How have you been, honey? Na-miss na kita!" Sabi niya sa akin na parang walang sinseridad sa tono.

"Mom, get away. I thought you still have a meeting in Macau?" Iritang tanong ko sa kanya. Dapat sa isang linggo pa siya babalik, ano ba 'yan! May sagabal na naman sa tahimik na buhay ko dito sa mansyon.

"Been there, done that." Sabay kaway ng kamay na tila pinipilit n'yang tapusin na ang pinag-uusapan namin.

"I brought gifts for you! Nag-shopping na ako dun dahil ang gaganda ng mga damit at jewelries!"

"Yeah.. Sure. May plates pa akong gagawin kaya aakyat na ako sa room ko." Binilisan ko ang lakad ko at nagmadaling umakyat sa 'grand staircase' na pagkahirap-hirap akyatin. Ipapagiba ko na talaga 'tong isinumpang bahay na 'to.

But on second thought, mag-re-request nalang pala ako kay dad ng elevator, or escalator, whichever.

Narinig kong nagpapaawa ang nanay kong pabebe, "But Celestiiine~" Patuloy ang lakad ko paakyat pero malapit-lapit pa rin sa ako kanya dahil sinusundan n'ya 'ko.

Umiling nalang ako sa kakulitan ng nanay ko, "Pakisabi na rin lang kay yaya, dalhin 'yung dinner ko sa room--"

"Calliope Celestine Scriven!" Sigaw niya, "Stop right there this instant or I'll cut your black card!"

Napatigil ako at napatingin ako sa kanya ng masama, "You wouldn't dare..."

"Take one more step and I'm calling the bank." Hamon niya, "Isa... Dalawa..." May pakay siya kaya n'ya ako pilit kausapin. Hindi naman niya ako titingnan o kakausapin ng matagal kung wala siyang motibo.

Sigh. "Fine, what do you want?"

Ngumiti ulit siya, "The Ayuzawa family just came back to the Philippines at inimbitahan ko sila for dinner. I know you want to meet with Jonathan again--"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Tangina!" Bakit ngayon pa natipuhang umuwi nung hayop na 'yon?


Mood SetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon