Chapter One - Enraged

85 5 5
                                    

A/N: 'Sup Wattpad! I'VE FINALLY PUBLISHED A STORYYYY MWUAHAHAHAHA!

Forgive me kung medyo naging "Fillish" o "Fil-English" ang writing style ko.

Any way, enjoy chapter one, guys. :)

~~~~~~~~~~~

"Wala akong maisip, Felix! May actual writer's block na naman 'ata ako." Kaawaawang sigaw ko sa aking matalik na kaibigan, si Felix Lavigne, habang siya'y naglalakad palang papunta sa upuan n'ya.

"Bakit kasi nagsimula ka na naman ng isa pang istoryang, alam nating dalawa, hindi mo tatapusin?" Matalas niyang sagot sa akin matapos niyang umupo sa tabi ko at nagsimulang magguhit ng isang perspective drawing, isang plate* namin na dapat ipasa ngayong araw. 

*Plate(n): It's either a homework or a seatwork for architecture students or fine arts students. Kadalasan, ito and pinagkaka-abalahan nilang gawin kaysa piliin ang kani-kaniyang mga social life. Plates before dates, ika nga. [RIP Social Life]

"Eh kasi-!" Napatigil ako nang makita ko ng buo ang ginagawa niya. Aba, anak ng palaka naman 'to. "What the hell, man?!" Sigaw ko sa kanya.

"Huh?"

"Dude, sabi mo, kahapon sa chat, pangit 'yung ginagawa mong perspective!" Sabi ko sa kanya, with a matching frown etched on my face. "Eh, leche flan ka naman oh. Kumapara sa gawa ko, Mona Lisa 'yan; tapos 'yung akin, ang sarap itapon sa Payatas."

"Don't over-react, Callie, we both know that yours is better." Pa-irap niyang sagot, patuloy sa kanyang pagguhit na tila hindi ko siya kinakausap. Hmph. Kung makita n'ya 'yung basurang plate ko, hindi niya ako susungitan ng ganito.

Sigh. Napabuntong hininga ako for the nth time this day. I swear, hindi ako makakatapos ng isang story dahil sa kalokohan ng writers' block ko. Ay nako. Bahala na.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na nag-imagine ng mga maaaring idugtong pa sa akda kong wala nang pinatutunguhan.

Sige, iidlip muna ako ng saglit...

Wala pa naman 'yung matandang propesor namin na walang ginawa kundi magpagawa ng sangkatutak na plates.

"Ms. Scriven."

Nagising ang diwa ko ng 'di oras nang marinig ko ang matinis na boses ng matandang dalaga naming guro. Nakataas ang kanyang mga kilay at halata sa mukha n'yang hinuhusgahan n'ya ako.

"Po?" Sagot ko, walang bahid ng paggalang ang salitang binigkas ko. Bakit ko ba siya rerespetuhin, walang kwenta naman 'tong gurong 'to, eh.

"You need to be more active in your extra-curricular activities, Ms. Scriven." Ika niya.

Ano daw?! I blinked once. Twice. "Ano ulit?" Tanong ko sa kanya. Tama ba ang narinig ko? That I needed to be more active in the extra-curricular activities?

What the hell.

"It's already your second year here in the University," Well, duh. "And you need to join an organization or else, you'll get a failing grade. At alam nating dalawa na kapag nakatanggap ka ng kahit isang bagsak, kailangan mong mag-supplementary classes sa bakasyon."

Napakunot ang noo ko. Anong kalokohan ang sinasabi nitong babaeng 'to? "But, ma'am, as long as I get high marks in most of my subjects, hindi ko na kailangan sumali sa mga orgs." Sagot ko.

"The curriculum is changing." Sabi niya ng matalas. "Joining a club is a must, not an option, Ms. Scriven." Aba, matinde.

I shrugged nonchalantly, "Edi sa Literary club nalang ako-"

"It's been three months since school started, wala nang opening positions for staff and members ang karamihan sa mga orgs. I advise you to join here." May nilagay siyang papel sa desk ko at kinuha ko iyon.

Men's Volleyball: Managerial Application Form ang nakasulat sa ibinigay ng hayop na propesor na 'yun.

Putangina.

At ano naman ang gagawin ko sa volleyball club, aber?


Mood SetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon