Chapter Five - Bitchy

22 4 1
                                    

A/N: Whooo chapter five is dooneee~!!!

Pagbigyan dahil wala pa ang mga cover//media thing dahil busy pa rin ako! At may nagsabi sa akin na magprioritize so sa susunod nalang muna yun!

Anyway, vote and comment, guys! <3 Share this story with your friends, too! Now, onwaaaards!

~~~~~

Matapos lumabas ang nurse, nakatingin na rin ng masama si Clara kay... kung sino man siya. "Bakit mo ba kasi natamaan si Calliope?" Pambungad ni Clara na tila parang nanay.

Nakakunot ang noo ni kuyang nakasiko sa akin at nag-pout na parang bata. "Susuntukin ko kasi dapat si Ravi."

"Ano?" Ang nasorpresang tanong ni Clara. Basagulero pala 'tong si kuya eh.

"Nakakainis kasi." Napakamot siya sa likod ng ulo n'ya na parang iritang-irita sa mundo, "Lumapit sa 'kin tapos nagpupumilit na turuan ko raw siyang mag-serve, eh, ayaw ko."

"Tapos?"

"Lalayasan ko na sana kaya lang ayaw akong paalisin. Then, the next thing I know, I accidentally elbowed this girl on the face." Sinabi niya 'yung huling parte nang walang bahid ng pagiging mapagkumbaba sa maling nagawa niya. At doon ako nainis.

"Dude, hindi ka dapat nakikipagsuntukan lalo na't may tao sa likod mo!" Sumbat ko sa kanya.

"Ano ako? May mata sa likod ng ulo?" Sarkastikong tanong niya sa akin, "Kita mong nagsusuntukan kami ni Ravi, ikaw 'yung tatanga-tangang lumapit sa amin."

"Distracted ako kaya hindi kita nakita!"

Napangiting aso s'ya sa sagot ko at sinabing, "Edi tanga ka nga." Aba, matinde ang turnilyo nito ni kuya. Parang kinakalawang na sa pagiging sobrang antipatiko n'ya.

"Leche flan ka pala, eh!"

"Lampa ka lang kasi." Asar niya, "Konting na siko lang sa mukha, nosebleed agad."

"Ang lakas kaya ng pagkakatama mo sa 'kin! Ako ba niloloko mo?" Sagot ko sa kanya. Nakooo! Masasaksak ko 'tong lalaking 'to ng T-square, eh.

"Both of you, stop it!" Sigaw ni Clara sa amin. Huh, nalimutan kong nandito rin pala siya.

"S'ya nagsimula, eh!" Tinuro ako nung antipatikong lalaking 'yun na parang bata

"Anong ako-?!"

"Stop!" Sigaw muli ni Clara, mukhang nag-aapoy ang mga mata sa aming dalawa ni Mr. antipatiko. Oh damn, she looks so done with our shit. "Both of you, apologize." Utos n'ya.

HA?! Ano raw? Umiling ako, "Hell no."

Nag-cross-arms si kuya na feeling pa-cool at umiwas ng tingin sa amin, "Tch."

Nanahimik ang buong room pero nagsalita si Clara na tila tinatakot kami. "NOW."

"Sorry..." Sabay naming binigkas ni kuyang antipatiko pero alam kong parehas naming hindi sineryoso ang paghingi ng tawad sa isa't isa. Tsk. As if.

"'Yan, kaya n'yo naman pala, eh. Now, let's begin again, shall we? Hiro, introduce yourself." Sabi ni Clara. Why do I get the feeling na si Clara ang tumatayong ate at nanay ng team? Hmmmm..

He rolled his eyes, irritated, and said, "Hiroto Montenegro. Vice-Captain ng Volleyball club. Third-year architecture student."

Ano raw? ARCHITECTURE STUDENT DIN S'YA?! AT SENIOR KO PA?!

Aba, Tadhana, ano 'to, isang cliche Wattpad story na nasa iisang college si boy at girl tapos parang aso't pusa ang bangayan tapos mapapagtantuhan nilang meant to be sila? Punyatera, 'yung totoo?!

Forgive me. Mukhang napapadalas ang pagmumura ko, ah.

"Calliope," Tumingin sa akin si Clara, motioning me to also introduce myself.

"Tch. Calliope Scriven. Second-year architecture student."

"Now, that matter's finished..." Ngumiti ang manager ng Volleyball club sa aming dalawa at biglang kinuha ang mga kamay ko, "I am so sorry sa nangyari, Calliope! Sana hindi nasira ang paningin mo sa club dahil lang sa 'di pagkakaintindihan na 'to."

Ramdam ko na napatingin bigla si Hiroto sa akin at nagtanong, "Sasali ka sa club?"

"As a manager, yes." Tango ni Clara.

"Shit."

"At bakit? May problema ka kung sasali nga ako?" Hamon ko sa kanya.

"Wala." Sagot niya sa akin pero dinig ko ang pagbulong niya ng "'Di tatagal ang isang lampang tulad mo sa club."

Alam ko naman na hindi talaga ako tatagal sa nakakairitang club na 'yon pero 'yung sa kanya pa talaga nanggaling 'yung mga katagang 'yun. Like, the fuck, right? "What if I'm cut out for it and you're wrong?" Pahamon kong sinabi sa kanya.

"How can I be wrong? Halata naman na wala kang interes sa club."

"So?"

"I only care for those who'll be an asset to help the team win. The others don't matter to me. And right now, hindi ka kawalan ng team." Sabi niya sa akin habang nilapit 'yung mukha n'ya na para bang naghahamon.

Oh, it's on, baby. Gusto mo ng laban? Bibigyan kita ng giyera.

"Fine." Tinitigan ko rin siya at hinatak ang kwelyo ng jersey niya. Konting-konti nalang ang espasyo sa pagitan namin but I turned on my bitch face. "I'm joining the team, Mr. Vice Captain, whether or not you agree."

Top that, you shit.


Mood SetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon