Pauwi na ako from church. Kasama ko pala si Kevin and si Alyssa. Pareho ko silang kababata. As in mga 5years old lang ata kami, playmates ko na sila... Ang parents kasi nila at ang parents ko magbabarkada. Since pre-school pa lang daw. HAHA kulit nuh?! katuwa.
"So kamusta naman yung band niyo?" tanong ni alyssa. Hindi kasi kami pareho ng school. Sa isang all-girl school pumapasok si alyssa. Kami naman ni Kevin ayun! schoolmates.
"Ok naman going strong. Si Ryan tanungin mo kung kamusta." sagot ni Kevin with sarcasm. tss loko talaga 'to. Tumingin sa'kin si Alyssa.
"HA? wala. ok naman. Dami pa ring tumitili ng tumitili. Kahit bakla nakikitili na. Bakit mo naman natanung?" Tanong ko ng nakataas ang kilay ewan ko lang kung nakita niya yun Gabi na kasi ehh.
"Wala. sa totoo lang usap-usapan na din kayo sa school namin. And karamihan may gusto na rin sa inyo." BWAHAHA magkalapit lang kasi yung school namin. Kaya ayun.
"AHH ehh ganun ba? wala ehh. gwapo kasi kami ehh." Sagot ko tapos nag-wink kay Alyssa. Ewan ko ba. Buti hindi nagkakagusto sa'kin si Alyssa. HAHA atleast may friend ako na girl di'ba?
"Mukha niyo! marami rin kayang nagsasabing ang sungit niyo daw! tss famewhore!" Sabi niya na parang inis na inis.
"Famewhore talaga? Hindi naman sa ganun..." Sagot naman ni kevin.
"Anong hindi sa ganun? Pa-humble din pag may time! maaring masira yung popularity niyo sa ganyan. Kaya dapat humble lang. entertain your fans. Tanga." Hmm may point siya... but nag-eenjoy na ako ehh. hahaha Saglit naman natahimik yung paglalakad namin ng makita namin si Ms. Bitter.
"Pre! di'ba si Ms. Bitter yun?" tanong ni Kevin. Na parang nagpipigil ng tawa.
"Oo siya nga. tara lapitan natin." Hinatak ko silang dal'wa palapit kay Ms. Bitter. "Hi miss. Looking for someone?" I asked her with a face on my face.
"Hello uhm no. uuwi na rin ako. Teka-"
"Yes ako nga." I smirked. di ko na pinatapos ang sasabihin niya. Sigurado naman ako sa tanong niya at mukhang gulat na gulat siya.
"Ahh ok. Sorry but I have to go." biglang nawala yung ngiti sa mukha niya. Then nagmadaling umalis.
"Teka ano muna pangalan mo?!" pasigaw kong tanung. Sila kevin naman ngumisi lang. tsss.
"Nilingon ka lang pre!" sabi ni kevin sabay tawa. Tss anong meron dun sa babaeng yun? Grabe ha. She's giving me creeps. >.<
"Tara na nga! parang shonga lang nun."
"Sino naman ba kasi yun?" Tanong ni Alyssa.
"Sino yun? siya lang naman yung lintek na nagpahiya sa'kin sa school nung kelan." yes! napahiya ako nun.. tsk tsk. Tumawa lang si Alyssa. "so what's funny?" nakataas ang kilay ko nung tinanng yun.
"w-wala." still! tumatawa pa rin siya.
Sino ba siya?? bakit parang napaka galing niya kumuha ng attention. Yes nakuha niya po yung attention ko. ewan ko ba kung bakit... pero mukhang naging interesado akong makilala siya.
-------------
"Rye? bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Hindi ka pa ba nakakaget-over ka Alia?" My mom asked Curiously.