JUST LIKE THAT

1.1K 22 0
                                    

Plane ticket?


Check.


Luggages?


Check.


A willing heart?


Kat shook her head. Ni-remind niya ang sariling ito ang tama. Ito ang dapat. Pupunta muna siya sa States at doon magse-stay hanggang maipanganak niya ang anak niya. Then after that, she could come back and continue her studies and pursue her dreams. Wala namang komplikado dun, she convinced herself over and over again. Sabi nga ni Annalise Keating, pag paulit ulit mong sinabi, yun ang magiging totoo.


***


"Anne, do you have a problem with me?"


Kumunot ang noo ni Kiko. Ilang beses na siyang pinagdabugan ng kaibigan sa harap niya mismo. With the things that are going in his life, maikli ang pasensya niya sa mga ganito.


Pero nabigla siya nang lumabas bigla si Anne sa kanilang classroom. Hinabol niya ang dalaga at hinwakan sa kamay. Umiyak si Anne at nagwala habang sinasabing


"Kasalanan mo kasi! Tinalo mo si Katrina! Ngayon mawawalan ako ng kaibigan! You ruined her life! Ano masaya ka na?! Masaya ka nang ang bata bata niya pa, ang dami niya pang pwedeng gawin, pero hindi niya na yun magagawa kasi she'll live with the fact na disgrasyada siya?!"


Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Hindi rin naka-imik si Anne at tuluyan nang umalis.


Ano raw?


Disgrasyada?


At ako?


Magkakaanak na kami?


Ang daming tanong na gumugulo sa isip ni Kiko. We're having a baby. I'm going to be a dad- sa babaeng minamahal niya.


Bullshit.


Sabi niya dati, hindi niya tutularan ang tatay niyang babaero at pinabayaan lang sila habang nagpapakasasa sa pera ng gobyerno at sa mga babae niya. Sabi niya dati, pag nagkaanak siya, he'll be with his wife and kids through thick and thin.


Bullshit talaga.


Ayaw niya nito.


***

"Miss, I don't understand. Why is our flight delayed?"


Tanong niya dun sa stewardess. Naka-board na sila pero naghihintay pa rin sila at hindi pa makapag-take off yung eroplano.


"I'm sorry Maam but we're experiencing some technical problems. The pilot and our engineers are checking on it."


"Wala ba kayong reserved plane or whatsoever?"


"Wala po as of now, Maam."


Kat rested on her seat. Ayaw na ayaw niya ang mga ganito. It's like, destiny wants to make the pain linger. Kinukutubad siya ng masama.


***


"Sige na, puntahan mo na siya..."


"Salamat talaga Noel!"


Buti na lang Kiko has connections. Tulad na lang ng high school friend niya na si Noel. He rushed to the airport after talking to Anne.


Galit na galit ito sa kanya, at hindi niya ito masisisi dahil galit din siya sa sarili niya.


Mabilis at malalim ang paghinga ni Kiko. Ginigitian din siya ng pawis sa kanyang mukha.


Please, please Lord. Alam kong favorite mo ako. Huwag mong hayaang makaalis si Kat. Please.


"Miss, Flight 1234 please."


Tinanong niya ang security guard na humaharang sa boarding area.



"I'm sorry sir. Nakaalis na po yung eroplano."


Hindi na narinig ni Kiko ang mga sinabi pa nung gwardiya. Nanghina siya at napasandal na lang sa railings ng airport.


Just like that.


Naiwala niya ang babaeng minamahal niya nang ganun ganun na lang.



Just For TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon