[Author's Note:
Bitin ba? Hahahaha.
Natatawa ako kasi binasa ko din yung previous chapter ko, BITIN NGA! :D
Emmmsarreh! :D
Eto na! Enjoy reading!
Makikilala nyo na din ang isa sa mga CHARACTER nitong story :>
Yung picture nya nasa right side. See her ---->
Para lalo nyong ma-enjoy, kailangan ng super wide IMAGINATION ang po mga readers! :)
Thank you po sa lahat ng reads, votes and comments. Ü
I'm begging for more please??? :'>
God bless!]
Previous Chapter Preview "POKE":
*POKE*POKE*
May pumipindot sa pisngi ko.
*POKE*POKE*
Ay ang kulit sino ba yun?
Kitang natutulog yung tao eh.
*POKE*POKE*
"Anu ba!" sabi ko habang hinahawi ko yung kung anu mang pumipindot sa pisngi ko.
***
Chapter Title: "THE DOG"
* POKE * POKE *
Hindi titigil to kakapindot ng pisngi ko.
Lamog na mukha ko.
Unti unti kong dinilat mata ko.
Hanggang sa may naaaninag akong ilong, mata at maliit na bibig.
Naduduling ako.
Ang lapit ng mukha nya sa akin.
Sobrang lapit ng mukha nya.
Tancha ko 1 inch lang ang distansya namin.
Mukha?
1 inch lang distansya namin?
Napadilat ako sa gulat.
At...
"AHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko sabay tulak sa kanya palayo.
"HUWAAAHHHHHHHHHHHH!" sigaw naman nung babae "Aray!" dagdag pa nya at napahawak sya sa kanang kamay at hinihimas-himas.
Aray? Mahina lang naman yung tulak ko sa kanya ah.
"Ansakit" sabay yuko nya at mahinang iyak nya.
Nilapitan ko sya kasi parang may masakit talaga sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko.
"Masakit yung kamay ko" sagot nya habang hawak hawak nya ang kamay nya na masakit daw.
Napansin kong parang may mamula mula na parte sa wrist nya.
Hinawakan ko yung kamay nya.
"Mahinang tulak lang iyon. Bakit ka napilayan?"
"Anu yung pilay?" hindi ko sinagot ang tanong nya. Kinuha ko ang panyo ko at ibinalot sa kamay nya. Para kung matamaan man o magalaw hindi masyadong masakit.
BINABASA MO ANG
Our Melody Our Wish
Teen FictionPractically speaking :D WOOOOOH gumaganun? :> This is not my first story. But this is my pinaka una kong Fantasy Adventure Teen Fiction Romance at kung anu anu pang genre na story :) Opo tama po kayo :) Kaya kung naghahanap kayo ng kakaibang story...