Ella’s POV
It’s a bright and sunny day! Andito ako sa lawn slash garden slash tambayan slash favourite place ko sa campus. Ang cute cute kasi tignan dito, may malaking puno tapos, malinis yung paligid, pwede kang umupo sa damo habang nagrereview, o naglulunch.
Pinagmamasdan ko lang yung ibang students sa university nang biglang may aninong lumapit sakin... Lumingon ako para tignan kung sino yun kaya lang nasa likod niya yung araw eh, nasisilaw ako kaya di ko masyadong makita yung mukha niya.
Unti unti siyang lumapit sa akin... Unti-unti ko na ring nakikita yung mukha niya. Yung buhok niyang malinis na malinis at bagay na bagay sa kanya, yung matangos niyang ilong, yung lips niya... At yung mga mata niyang punong puno ng emosyon. At sa nakikita ko ngayon, masaya siya...
O___O
O__________O
!!!!!!!!!!!!!!!!!
^___________^
“W-william...” Siya si William, ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa na sumunod sa tatay ko. Syempre, una lagi si Papa no! Si William, or Will, ay ang nagmamay-ari ng puso ko sa loob ng tatlong taon and counting, pang-apat na taon na ngayon kung magpapatuloy pa.
“Ella. May gusto lang sana akong sabihin sayo.” Napalunok ako sa sinabi niya. Ano kaya yon? Mukhang masaya si William? Sasabihin niya bang gusto niya rin ako? Ano bang mga posibleng sabihin ni William? Ano bang dahilan para kausapin niya ako ngayong 4th year na kami? Eh simula first year, wala kami masyado interaction. Konti lang, bilang na bilang ko, at tatak na tatak sa isip ko.
Pero ngayong, nandito na rin siya sa tabi ko, sa harap ko, mas mabuti na ring aminin ko na lang rin.
“Ako din, William. May gusto rin sana akong sabihin sayo.” Ngumiti si William, isang nakakabalibag-pusong ngiti, pero nasundan ng katahimikan. Tumayo ako kasi malamang nakaupo ako kanina diba? Pinagpag ko yung mga sumamang tuyong damo sa uniform ko. Tinignan ko si William sa mga mata, ang ganda talaga ng mga mata niya...
“Ako muna.” / “Ako muna.” Sabay naming sabi.
“Sige ikaw na lang muna.” / “Sige ikaw na lang muna.” Sabay na naman, ano ba to. Sync kami masyado, nahihiya na ako pero tumawa lang si William kaya napangiti na lang rin ako.
“Ako na nga lang mauuna.” Sabi niya tapos huminga ng mamalim. Nilapag niya yung dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko. “Ella, matagal ko na tong gustong sabihin kaya lang iniiwasan mo naman ako lagi eh. Gusto kita, Ella. Kasi kahit clumsy ka, kahit walking disaster ka, kahit na lagi ka na lang pumapalpak, kahit ganon ka, mabait ka. Cute ka. Matalino ka naman, tamad ka nga lang. Tsaka, ikaw si Ella. Kung hindi ka ganon kagaya ng characteristics mo, hindi ka magiging si Ella Santos. Ella Santos, gusto kita. I like you. Matagal na.”
O_________O
Loading...
Loading...
SPEECHLESS...
Da fuq did I just heard? Gusto niya ako? >///<
“I-I... I like you too!” Yumuko ako. Yung kamay niya nakahawak pa rin sa balikat ko, I can’t help but crack my knuckles. “Dati pa! Siguro di mo pa ko kilala non! Siguro di mo pa alam na nage-exist ako, pero matagal na kitang gusto!” Sinabi ko ng pagkabilis-bilis ewan lang kung naintindihan niya.
I heard him chuckle, “Patawa ka talaga halika na nga dito.” He pulled me into a hug then he.... kissed my forehead...
I gasped when I remembered number 23 on my “When-Boys-List”
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
Teen FictionEver tried confessing your feelings for your crush expecting the best-case scenario but ended up with the other way around? That's exactly what happened to Ella's life. Epic fail. But could this disaster bring her to the love of her life and lead he...