Ella’s POV
“ELLA! GISING NA! HOY!!!” –Ethan, pangatlong lalaki na sinundan ko.
-________-
“Ellaaaa!!! Yoohooohh!!!” Niyugyog pa ako. Potek naman.
“Ano bang merooon?! Sabado ngayon!! Aga aga sipain kita eh!”
“May bisita ka! Bestfriend mo!!”
-___o
“Wala kaming lakad nila Sarah ngayon! Pauwiin mo na munaaaa!!”
“Aish, hindi sila Sarah! Si Aleeex!”
O________O
*boogsh*
“OUCH! What the heck, Ella?!” Sinipa ko siya. Fudge, nakalimutan ko si Alex. Tinignan ko yung orasan ko. 8:02AM. Naku po. >___<
“Ouch ouch ka dyan! Di ko yon bestfriend! Tabi nga Ethan!”
“Sabihin mo maghintay muna siya! Maliligo pa ako!”
Pumasok ako sa bathroom ko at naligo. Punyeta talagang mokong na yun. Kung makapag-blockmail naman kasi, bat yun pa? Di ba siya kinikilabutan? Para namang ang gwapo gwapo niya para pag-agawan ng maraming babae.
Kala mo kung sino. -___- Mala-badboy look naman, ang panget panget. Hilig hilig magsuot ng black & white. Di mo makitaan ng ibang kulay. Tss. Kala mo sasabak sa action film.
Ang gulo-gulo ng buhok! Tapos yung mata nakakagago. Kahit walang eyeliner, kala mo meron! Bwisit.
Di naman ganon yun dati. Mukhang prinsipe yun nung bata kami. Maputi, chubby, red lips. Tirik tirik yung buhok pero neat tignan. Aish, ayoko nang maalala yun. Kabanas. Parang timang lang kasi, alis alis wala man lang pasabi. Tapos pagbalik kala mo kung sinong makasabi ng, “Gabby!! Namiss mo ko no?! Namiss din kita!! Ang pangit pangit mo pa rin! Loser!!! Hahahahaha!!” Eh nagbago mukha niya. Angas, kaya di ko siya nakilala. Niyabangan niya ako kasi akala niya niyayabangan ko lang siya kayo ayon. Bahala siya. Tss. -____-
“HOY ESSHHAN. Nashan shila kuya?” Sabi ko habang nagto-toothbrush. Nakihiga si Ethan sa kama ko, nannonood ng... DORA? Tsss, weirdo.
“Si Drew nasa biyahe, papunta daw Baguio. Kasama barkada. Si Nate di ko alam, tulog pa ata.” Sabi niya di man lang inaalis mata sa TV.
“Eh sina mama?” Inaayos ko na lang sarili ko makikita ko na ang salot. -____-
“Nasa office, pati si Tatay. Bilisan mo, naiinip na yun si Alex.”
“Wala akong pakialam sa kanya. Alis na ko Ethan. Bye!”
“Tch, mag-kuya ka nga!!!”
“ETHAN.” At sinara ko na ang pinto.
Pagbaba ko ng hagdan...
“PAGONG KA BA?! ANG KUPAD KUPAD MONG KUMILOS! ISANG ORAS NA AKONG NAGHIHINTAY DITO!!!” –Alex. Wow ha!! Ganyan ba bumati?!
“Good morning din, Alex.” Pangasar lang, tignan natin kung makatagal ka sa one month na hinihintay mo pakyu.
“Bakit ang tagal mo?!”
“Malamang nag-ayos ako diba? Tsss! Lalaki ka kasi, iba kaming mga babae!”
“Sus! If I know, nagpapaganda ka lang sakin!”
“Wow shet! Alex, wag na kaya tayo umalis? Umuwi ka na at matutulog ako. Mukhang babagyo grabe kalakas ng hangin eh!!!”
“HOY GABRIELLA! INGAY INGAY!”-Nate, pangalawa.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
TeenfikceEver tried confessing your feelings for your crush expecting the best-case scenario but ended up with the other way around? That's exactly what happened to Ella's life. Epic fail. But could this disaster bring her to the love of her life and lead he...