First dream

27 2 0
                                    

Ayon sa alamat...


Mananaginip ka ng sunod sunod for ten days in total of ten dreams, At sa bawat panaginip na iyon ay may karampatang patakaran na dapat mong sundin.


First dream, Sa unang panaginip. Makikita mo ang sarili mo na natutulog, may mapapansin kang isang babae na sumisilip sa bintana ng iyong kwarto.

First rule, Dapat papasukin mo sya.


"Tamiko! Anong oras na! Pinas time ka parin ba? Tulog na tayo uy!" Saway sakin ng ka room mate kong si Shin.


Andito kami sa Japan nag-decide kasi kami ni Shin na dito mag-aral ng college, Since marunong naman kami ng Japanese kahit papano eh hindi na ganoon naging mahirap para samin ang pag-stay dito, Japanese decent din kasi ang mga pamilya namin, Bagamat may mga kamag-anak din kami dito nag-desisyon kami na maging independent kaya nag-renta kami ng sarili naming apartment tutal sa January pa naman ang pasok namin nag-two jobs kami ni Shin ngayong nasa bakasyon kami para naman may ipon in case of emergency.


"Shin di ako makatulog eh, may bumabagabag sakin.." Honest kong sagot kay Shin na talaga namang totoo kasi kahapon pa may bumabagabag sakin.

"Ano? Dahil Halloween na? Eh di naman sini-celebrate dito yun eh, Cosplay lang ang meron sila dito."

" Hindi naman sa ganon may feeling kasi ako na kapag natulog ako meron akong mapapaginipan or what, ah ewan!" Sabay kong ibinagsak ang katawan ko kama.

"Bakit nagpadala ka dun sa 10 dreams na sinasabi nila? Yung sinabi ng tour guide kahapon nung pumunta tayo ng Human Pillars?"



Human Pillars o Hitobashira ay isa sa mga kilalang urban legend sa Japan na pina-practice noon. Magsasakrifice sila o nililibing ng buhay ang isang tao under sa mga construction sites para sa mga 'Gods' para matuwa sila. Ngayon, Parang dasal nila yun sakanila para patibayin nila yung mga brigde, dams and castles laban sa mga invaders at ano mang bagyo o sakuna.


"Di kasi hindi ba parang totoo? Sabi kasi ni Sachi totoo daw yun eh."

"Nagpapaniwala ka dun? Weirdo daw yun eh!" Sabi nya habang kinakalikot nya ang cellphone nya.



"Hindi kasi sabi nya sya mismo naranasan nya yun.. "


Dahil sa sinabi ko napahinto si Shin sa kung ano ang ginagawa nya.


"Ah.. e--ewan ko nga sayo! Nananakot ka lang kamo! Matulog na tayo Tami seriously may trabaho pa tayo bukas." Sabay talukbong ng kumot.

"E-- Eh?" Nagi-stammer na rin ako. Bakit kasi ngayon oras ko pa naiisip tong mga bagay nato.

"Uy Shin! Wag ka muna matulog! " Inaalog-alog ko si Shin kasi kapag ganito ung mga naiisip ko ng 11:30 ng gabi feeling ko something is wrong, Or more like...





Someone is with me. I'm not alone.


"SHIN! KASI NAMAN EH WAG KA NGA! ALAM KO DI KAPA TULOG." Pilit kong inaalog si Shin pero wa-effect ganto ba kabilis makatulog to?

"O --- Kay?" Bigla ako nagtalukbong ng kumot at madiin kong pinikit ang mga mata ko, I wore headphones to divert my mind to other things ..



Nang may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko at sa bawat haplos ay papalapit ng papalapit yung kamay nya sa mukha ko.


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!"



"BWAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Wait one second, *Hinga* BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!"


"PAKYU kaaaaaaaaaaaaaa SHIN !!!!!!!!!"


Hutanginang babae to, sya lang pala! Ho May Goodness!! Lord have Mercy on her!


"MATULOG KA NA KASE!!! PARA KANG TANGA DYAN NA NANGANGATOG KAPA TAS ANG LAKAS LAKAS MO PANG KUMANTA, TANGGALIN MO NA NGA YANG EARPHONES MO! MAGPATULOG KA MAAM MAS MAHALAGA NA MAKA-BANGON BUKAS PARA SA TRABAHO KESA SA KABABALAGHAN MO DYAN. INANGYAN. "


After ng sigawan session namin ni Shin, Finally dinapuan na rin ako ng antok.




I feel myself dreaming.


And i can see myself sleeping in my room as i notice the girl in the window.


The girl seems so pale siguro dahil basa sya ng ulan at sa napaka-lamig na weather ngayong October.






So i let her in...




To be continued...




10 DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon