Una: Flag Ceremony

7 0 0
                                    

Hindi ko talaga alam kung paano ba 'to sisimulan.


Halo-halo ang mga salitang nabubuo sa'king isipan.

'Di alam kung alin ang uunahin.

Pero sige, simulan natin sa unang araw ng pasukan

na unang araw din ng ating pagkikita.



*Flashback*

June, 2011

Unang beses kitang nakita sa Flag Ceremony.

Nasa hulihan ka ng pila, tulad ko. Dahil ikaw ang pinaka matangkad sa mga lalaki at ako naman sa mga babae.

Habang nagsasalita ang principal e kanya-kanya ding daldal ang bawat estudyante.

At eto yung pinaka natatandaan kong pangyayari noong araw na yon.

Kasama ko ang matalik kong kaibigan.

Dahil nga bago ka, na-curious kami sayo.

Kinalabit ka nya

Lumingon ka nang may matalim na tingin

Nagulat kami

Di ko napigilang sabihin na

"Ang sungit mo naman, pinaglihi ka ba ng nanay mo sa sama ng loob?"

Hindi ko alam kung narinig mo ba pero di mo na kami pinansin ulit

Fast forward....

Patapos na ang break time at nagbabalikan na ang mga estudyante sa kanya-kanyang silid.

Nakaupo na kami ng mga kaibigan ko nang dumaan ka sa aming harapan.

Sabay-sabay ka naming tinignan at pabirong tumingala ng sobra sabay tawa at nagkunwaring nangalay ang batok sa pagtingin sayo.

*End of flashback*

UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon