Ikalawa: Superman

5 0 0
                                    

Tapos na tayo sa una, literal na una dahil una nga nating pagkikita haha

Katulad pa din nung umpisa, naguguluhan padin ako kung ano ba ang ikukwento

Okay siguro kung may nagtatanong, ano?

Hindi ko din alam kung may sense ba 'tong mga pinag ta-type ko dito.

Pero sana meron haha





Balik na tayo sa kwento,

matapos nung araw na yon sa pagkaka alala ko naging magkapareho tayo ng araw na maging "cleaners"

At dahil may pagka sutil kang bata, ayaw mong maglinis. Tumakas ka.

Sumunod na linggo, hindi ko na hinayaang tumakas ka.

Wala kang nagawa kung hindi mag stay

Hindi ka padin tumulong maglinis

sa halip e kinukumbinsi mo akong pauwiin ka na dahil nga wala ka namang naitutulong

Nakaupo ka lang sa teacher's desk habang pinanunuod akong magwalis

Pilit nakikipagtalo. Paulit-ulit mong sinasabing gusto mo na umuwi.

Nanamihik ka ng ilang minuto

Maya-maya nagsalita ka ulit

"Pst! Oy may sasabihin ako sayo"

"Ano yon?" Seryoso kong sabi nang lingunin ka.

"Lapit ka dito, ibubulong ko sayo"

Akong si uto-uto lumapit naman agad

Nilapit ko ang tenga ko sayo at inantay ang ibubulong mo

"Sikreto lang natin 'to ha" mahina mong sabi

Di ako sumagot, inantay ko lang ang sunod mong sasabihin

"Ako si..... Ako si superman"

Napakunot ang noo ko sa aking narinig

Tinignan kita ng masama sabay talikod

Sa isip ko

"Bat ba ko lumapit sa ugok na 'to"

Pinagpatuloy ko ang pagwawalis habang sya tawa nang tawa.


UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon