Nasa ikatlo naaaa
Parang ang boring ng pagkaka kwento ko haha pero hayaan na.
Siyam na taon na kaya ang nakararaan, ang hirap na alalalahanin nang bawat nangyari
June/July, 2011
Di ko maalala kung anong subject ba noong nangyare 'to pero si Sir A ang teacher natin.
Habang naglelecture sya, bigla kang nagtaas ng kamay
"Sir! Sir! Sir!"
Napatingin naman sayo si Sir A
"O ano yon, Ryan?"
"Sir, may I go out po?"
Di pa nakakasagot si Sir dinugtungan mo na agad
"May I go out with Ann?"
At sabay-sabay nangantsaw ang ating mga kaklase
Ang alam ko may advertisement na ganyan, malamang doon nya nakuha ang pautot na yan.
After nyan lagi na nila kaming inaasar.
Lagi na silang nang-aasar na bagay nga kami dahil pareho kaming matangkad.
Doon na siguro nadevelop ung interes nya sa akin.
Di na sya tumatakas twing cleaners kami
Yoon nga lang, di pa din naglilinis
Inaantay nya ko, para sabayan ako pauwi.
Magkaiba kami ng way pauwi pero dahil "nanliligaw" na sya ganoon na kami palagi.
Di naman nya ko naihahatid hanggang bahay dahil takot akong baka may makakita sa amin at isumbong ako.
Hanggang gate lang sya ng subdivision haha
#strictparents
Araw-araw, twing hinahatid nya ko panay din ang tanong nya
"Sasagutin mo na ba 'ko?"
"Di ko alam" tanging sagot ko
"Kelan ba kasi?"
Sya pa 'tong demanding ano? Sa lahat ng nanliligaw sya ung mainipin.
Red flag yan, Oo
pero ano bang alam natin sa red flag noong 2011?
13 years old pa lang din naman ako nyan. Walang tamang pamantayan sa kung paano ba kumilatis ng manliligaw.
Balik tayo sa kwento...
Hanggang sa chat kinukulit ako
"Oy, kelan mo ba ko sasagutin"
"Di ko alam, basta merong 8 haha"
8 kasi ang paborito kong numero noon, swerte daw kasi yon sabi nila
Kaya noong August 8, 2011
Hinatid nya ko. Noong malapit na kaminsa gate ng subdivision bigla syang nagsalita.
"May nakakalimutan ka ata?"
"Ha? Ano yon?" Sagot ko
"Sabi mo, sasagutin mo ko pag 8 na e 8 na ngayon?" Maangas nyang sabi. Akala mo'y hindi nanliligaw.
"Tapos?" Maang-maangan ko
"Kung di mo ko sasagutin ngayon, edi mag aantay na naman ako ng isa pang buwan?"
Aba't talagang demanding ano?
Di na ko sumagot tuloy-tuloy lang kaming naglakad hanggangbumabot sa gate ng subdivision.
"Dito nalang, babye"
Tumango sya sabay talikod
Ilang hakbang nya, sumigaw ako
"Oy!"
Paglingon nya
"Oo na, tayo na" sabay lakad palayo
Di ko na inantay ung reaction nya haha umuwi na kong naka ngiti
BINABASA MO ANG
Una
RomanceSinimulan ko 'to limang taon na ang nakararaan. Noong mga panahong mahal na mahal pa kita. Noong akala ko, ikaw na. Ngayon, susubukan kong ituloy 'to. Tingnan natin kung hanggang saan aabutin.