Kundiman

176 2 1
                                    

Note: Ang takbo ng kwentong ito ay parang utak ko. 

Minsan, nakakaslow.

Minsan, magulo. 

Minsan, kung hindi malawak ang imahinasyon mo e, hindi mo talaga ma-gegets.  

Ako'y tao lamang. Madalas mang magkamali, Pero tao pa rin.

Minsan mahirap talagang ipinta, isulat, o i-express ang kung ano mang naiisip natin. 

Gayunpaman, nais kong ibahagi ang kwentong ito sainyo...

Ang kundiman.

-------------------------------------------------------------------------

Kabanata I: Napaka-ikling Panimula

Ang kundiman ay isang uri ng tradsyunal na Filipino Love songs kung saan ang himig nito ay magaan sa pandinig, relaxing para sa kung sino man ang makaririnig, at damang-dama ang nais ipahayag ng mang-aawit. 

Ngunit hindi tungkol dito ang kwento na ito... 

Sa panahon ngayon, kakaunti na lamang ang nagmamahal at tunay na minamahal.

Bihira na lamang ang makakita ng dalawang tao, hindi tatlo

na nagmamahalan ng wagas. 

Masarap sa pakiramdam ang may minamahal at minamahal ka. 

Masaya din ang Unang Pag-ibig. Unang pagkakilig. Unang pagtigil ng mundo. Unang pagtanggap ng bulaklak, Unang gabing hindi makatulog. Unang pagkatulalang nakangiti. Unang hawak kamay. Unang yakap mahigpit. Unang halik noo. Unang halik pisngi. Unang totoong halik. At lalong lalo na kung ikaw ang Una at Panghuli niyang mamahalin. 

Pero hindi lahat, happy ending. 

Minsan nga hindi pa umaabot sa ending e. 

Minsan kahit mahal na mahal mo siya, hindi na niya tatapusin hanggang sa finish line at mang-iiwan na sa ere.

Minsan kung kelan nasa masayang bahagi na kayo ng inyong relasyon, dun pa napuputol. 

Minsan kahit mahal na mahal mo ang isang tao, gigising ka nalang kinabukasan...

Hindi mo na mahal. 

Minsan sa sobra mo namang pagmamahal, binabalewala ka. 

Minsan kahit gaano man tayo magmahal, nasasaktan pa rin tayo. 

Minsan kahit ayaw na nating magmahal, nagmamahal pa rin tayo. 

Dahil dun umiikot ang ating buhay.... 

Sa pagmamahal. 

Magkamali ka man nung una, pipiliin mo pa ring magmahal muli..

At sa pangalawang pagkakataong magmamahal ka, sasabihin mo sa sarili mong

"Magseseryoso na ako" o di kaya'y "magbabago na ako"  at ang salitang 

"Ibibigay ko na ang lahat para sakanya" 

Mawala na ang lahat... Wag lang ang taong mahal mo. 

Pero paano kung......

Kung hindi siya ang para sa'yo?

Kung hindi siya ang nakatadhana? 

Kundi hindi kayo hanggang sa huli? 

Kung langit at lupa na ang maghihiwalay sainyong dalawa? 

Masasabi mo pa rin bang ..... 

"Kung hindi man ako... Kund hindi man ikaw...

Kung hindi man tayo ang para sa isa't-isa...

Kung hindi man tayo ang nakatadhana...

Kung hindi man tayo hanggang sa huli....

Maghihintay ako kahit sa kabilang buhay. 

Mahalin ka lang muli.

At kung hindi man mangyari iyon, 

Maghihintay lang ako.. 

Hanggang sa ang salitang "Kung Hindi Man" ay magwakas."

KundimanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon