Kundiman: Unang Tagpo

35 1 0
                                    

 Kabanata IV: Unang Tagpo

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, paulit-ulit lamang ang ginagawa ni Avarina. 

Gigising sa umaga.. Babangon.. Maghihilamos.. Lalabas ng kwarto.. At diretso sa kusina.

Isasangag ang natirang kanin kagabi at ipiprito ang tuyong nabili pa nung isang araw.

Mag-gagayap ng kamatis.. At lalagyan ang isang platito ng bagoong. 

Mag-iinit ng tubig at lalagyan ang dalawang lumang tasa ng kape. 

Magsasandok ng pagkain. Maglalagay ng plato sa magkabilang dulo ng mesa. 

At tatawagin ang amang nagsisibak ng kahoy sa labas ng kanilang bahay. 

"Tay, kain na po tayo." Tawag ni Avarina. 

Nilapag ni Avarina sa mesa ang tabong may lamang tubig. 

Naghugas ng kamay si Mang Telesforo at umupo sa kanyang silya. 

"Aba, mukang masarap ang umagahan natin ngayon a..

     Piniritong manok!" Sabi ni Mang Telesforo kay Avarina. 

Tumawa silang dalawa at nagsimula nang kumain. 

Matapos makakain, inihatid ni Avarina ang ama sa tarangkahan ng kanilang bahay at iniabot ang baunang nakabalot sa tela.

"Paalam itay, mag-iingat ho kayo." Paalam ni Avarina.

Umalis na si Mang Telesforo papuntang taniman at bumalik na sa loob si Avarina.  

Iniligpit niya ang pinagkainan at naglinis na ng bahay. 

Matapos gawin ang mga gawaing bahay, dumiretso ito sa kanilang munting hardin. 

Kung saan nakatanim ang tatlong kulay ng rosas. 

Kulay pula, puti, at lila.

Diniligan niya ang mga ito, at kinausap. 

"Ang gaganda ninyong lahat...

      Pasensya na kung pipitasin ko ang iba sa inyo.... 

    Kailangan ko kasi..." 

Pumitas ng rosas si Avarina at inilagay sa isang basket. 

Pinagtatanggal niya ang mga petals nito at ibinalik sa basket. 

Umalis siya ng kanilang bahay.. 

Nagtungo siya sa isang mapunong lugar.. 

Walang masyadong tao... 

at makalat ngunit isang mapayapang lugar. 

Sa tabi ng malaking puno ng Acacia, nakatayo ang isang lumang bahay. 

Laging nagpupunta dito si Avarina. 

Nililinis din niya ang loob ng bahay kapag may oras siya. 

Inilabas niya ang mga basag na salamin, 

pinunasan ang mga alikabok, 

inalis ang mga sapot, 

at ibinalik sa pagka-ayos ang bahay. 

Ngunit hindi na maikukubli pa nito ang pagkaluma at paagkasira ng ilang bahagi ng bahay. 

Iniba niya rin ng kaunti ang ayos ng mga kagamitan. 

Itinulak niya ang isang aparador na nasa sala upang ilagay sa kwarto. 

KundimanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon