Kundiman: Kabanata V

32 1 0
                                    

Kabanata VI:

Hapon na ng umuwi si Avarina galing sa lumang bahay na kanyang pinagpalipasan ng oras.

Bakas pa rin sa kanyang mukha ang saya buhat ng makita niya ang binatang iyon. 

Nang magpaalam sila sa isa't-isa, hindi na maalis ang kanyang pagngiti at mahinhin na pagtawa. 

Nagsayaw siya sa loob ng lumang bahay at nagtatalon talon sa tuwa. 

Inihagis pataas ang mga lilang rosas na nasa sahig upang bumasak muli pababa sa kanya. 

Ramdam pa rin niya ang binatang nakatitig sa kanya habang dinadama ang mga rosas. 

Ngayon lamang siya nakaramdam ng kakaiba. Hindi inaasahan. Biglaan ang mga pangyayari. 

Para bang walang sinuman ang makapagpapaliwanag ng mga bagay na iyon. 

Hindi na siya makapaghintay pa ng bukas upang masilayan muli ang binata. 

Dumiretso sa kusina si Avarina.

Kinuha ang kaldero, tinakalan ng tatlong tasang bigas, 

lumabas papuntang poso upang doon hugasan ito. 

Humuhuni si Avarina habang hinuhugasan ang bigas. 

"Mukang masaya tayo diyan a! Ano bang meron?" tanong ni Kolas na sumulpot na lamang kung saan. 

Nagulat si Avarina nang makita niya si Kolas. 

Matalik silang magkaibigan. Bata pa lamang ay magkaibigan na sila. 

Malayo man ang bahay nila Kolas ay lagi pa ring nagpupunta ito kina Avarina upang dalhan ng mga rosas si ito. 

Sa katunayan, hindi lang hanggang kaibigan ang turing niya kay Avarina. 

Higit pa sa kaibigan... 

Ngunit, hindi tinatanggap ni Avarina ang kanyang damdamin. 

Kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Kolas. 

May itsura din naman si Kolas. Kayumanggi ang kulay dahil babad sa init ng araw sa taniman. 

Malaki ang katawan. Matangkad. At mahaba ang buhok na hanggang balikat. 

May bigote din siya at itim ang mga mata na bilugan. 

Mabait naman si Kolas ngunit may pagkamisteryoso siyang tao. 

"Ginulat mo naman ako, Kolas. Ano bang ipinarito mo? Gabi na a..." Sagot naman ni Avarina. 

Tumayo si Avarina sa pagkakaupo dahil hinugasan niya ang bigas. 

"Dinalhan kita ng mga dilaw na rosas. Dilaw na ang kulay nito hindi na pula. Para tanda ng ating pagkakaibigan..."  Sabi ni Kolas. 

Iniabot ni Kolas ang dala-dalang dilaw na rosas at tinanggap naman ito ni Avarina. 

"Pasensiya ka na, Kolas. Hanggang kaibigan lamang talaga ang turing ko sa'yo.. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin lalo na at bata pa lamang, tayo na ang magkasama.." Paliwanag ni Avarina. 

Napahawak sa bigote si Kolas. Halatang hindi siya natuwa sa sinabing iyon ni Avarina. 

"Tatanggapin ko ang lahat. Ang mahalaga ay ang kasiyahan mo...." Sabi naman ni Kolas. 

Ngumiti na lamang si Avarina kay Kolas at muling bumalik sa kusina upang isalang ang bigas na hinugasan. 

Sinundan ito ni Kolas.   "Bakit nga pala mukang masaya ka ngayon? Humuhuni-huni ka pa kanina.. Kwento mo naman!" Pangungulit ni Kolas.

KundimanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon