Kundiman: Simula sa Nakaraan

129 1 1
                                    

Kabanata II: Simula sa Nakaraan

Ako nga pala si Kiko. 21 years old. 

At ibabahagi ko sa inyo ang kwento ng wagas at walang kamatayang pagmamahalan, pitumpu't limang taon na ang nakalilipas! 

Labing anim na taong gulang ako noon nang marinig ko ang kwento na nagpabago sa aking buhay at pananaw sa pag-ibig. 

Hindi man ako makapaniwala, pero nangyari na ang nangyari. Mismong sarili kong mga mata ang nakasaksi non. 

------------------------------------------------

70 years ago, sa malayong lupain ng pamilyang De la Rosa sa bayan ng San Lorenzo ay matatagpuan ang malawak na taniman ng mga rosas, ang Hacienda Floricita o tinatawag ding Hardin ng Rosas. Makikita rito ang iba't-ibang kulay ng mga rosas. 

Mayroong pulang pulang rosas na simbolo ng pagmamahal at simbuyo ng damdamin. 

Mayroong kulay rosas o pink na siyang simbolo ng pagkilala ng utang na loob. 

Ang kulay kahel o orange naman ay ibinibigay sa mga espesiyal na taong nais mong makilala ng mabuti. 

Ang mga dilaw na rosas ay para sa pagkakaibigan. 

Ang puting rosas naman ay simbolo ng kadalisayan. 

At ang pinaka-espesiyal na rosas na matatagpuan sa Hacienda Floricita ay ang kulay lila o lavender na simbolo naman ng Love At First Sight. Para ito sa taong nainlove ka sa unang beses na nakita mo siya. 

Simple ngunit masaya ang takbo ng pamumuhay sa Hacienda Floricita. Minsan mahirap, pero masaya pa rin. Yan ang buhay ng labing anim na taong gulang na si Avarina Jose. Magtatanim lamang ng rosas sa Hacienda ang kanyang ama na si Mang Telesforo kaya sanay siya sa hirap ng buhay. Lumaki siyang walang ina dahil binawian ito ng buhay nang siya'y ipinanganak at hindi siya kailanman nabuhat o nahawakan man lang ng kanyang ina dahil nga sa ito'y binawian nga ng buhay. 

Sa katunayan, mayaman ang pamilya ng kanyang ina. May lahi silang Amerikano. Subalit ng magpakasal siya kay Mang Telesforo ay itinakwil siya at di na muling kinilala bilang anak. Hindi rin nakilala ng pamilyang iyon ang kanilang apo na si Avarina. 

Hindi naman naging dahilan ang pagkamatay ng kanyang asawa upang tumigil ang buhay ni Mang Telesforo. Hindi naging madali ang kanilang buhay mag-asawa. At mas lalong hindi naging madali nang lisanin siya ng kanyang pinakamamahal na asawa. 

Ginawa niya ang lahat upang mapalaki at maalagaan ng mabuti si Avarina. mag-isa man niyang itinaguyod ang pamilyang iniwan ng kanyang asawa ay kinaya niya pa rin ito alang alang sa mahal na anak. 

Nagbunga naman ang lahat ng paghihirap ni Mang Telesforo para kay Avarina. 

Lumaking napakabait na bata. Matulungin sa magulang. Responsableng anak. At higit sa lahat, mahal na mahal niya ang kanyang ama. 

Maraming humahanga kay Avarina dahil sa kanyang angking kagandahan at kabusilakan ng puso. Kakaiba at natatangi ang kagandahang meron siya. 

Nagliliwanag siya sa kaputian ng kanyang balat. Lalo na kapag namimitas siya ng mga rosas sa hardin kapag tanghali. Tutok ang liwanag ng araw sa kanya kaya litaw ang kaputian at kagandahan niya. Sabayan pa ng pagkurba ng kanyang mga labi, nakakatunaw na mga ngiti! 

Mahaba at may pagka-brown ang kanyang buhok. Wavy ng konti ngunit natural ang ganda. Kasing bango ng mga rosas ang kanyang buhok lalo na kapag iihip ang hangin na tila sumasayaw ito sa sobrang lambot.

Mapula-pula ang kanyang pisngi at kulay rosas naman ang kanyang mga labi.

Berde ang kulay ng kanyang mga mata. At kung tititigan mo siya, mata sa mata, malalaman mo ang pagka-inosente niya. 

Maganda siya kahit nakasimangot. Pero mas maganda pa rin kapag nakangiti. Kahit anong anggulo maganda siya. Mapa-front view man o back view. Maganda din siya pag naka-side view. Kitang-kita ang pagkatangos ng kanyang ilong. May lahing Amerikana si Avarina kaya may pinagmanahan siya ng ganda, ang kanyang ina. 

Marami mang nagmamahal at humahanga kay Avarina, marami din ang naiinggit sakanya. Kapag nga naman hitik sa bunga ang isang puno, binabato ito hanggang sa mahulog lahat ng bunga.

Sa hirap ng buhay sa Hacienda Floricita, hindi na nakayanang pag-aralin ni Mang Telesforo si Avarina sa kolehiyo. Nakapagtapos lamang ng highschool si Avarina at siya ang hinirang na Valedictorian. May inaalok sa kanyang scholarship sa Maynila ngunit tinanggihan niya ito dahil malalayo siya sa kanyang ama. 

Hindi lang matalino si Avarina. Lumaki siya sa pagkahilig sa musika. Maganda ang kanyang boses ngunit hindi niya ipinaririnig sa iba ang kanyang tinig. Simple lang ang dahilan. Nahihiya siya. Hindi dahil sa kanyang talento ngunit dahil wala siyang tiwala sa sarili at lakas ng loob. 

Marunong din siyang tumugtog ng piano. Mayroon kasing lumang piano sa inabandonang bahay na kanyang pinupuntahan tuwing siya'y malungkot, may problema o kaya naman ay nais magpalipas oras. 

At isang araw, habang siya ay mag-isa sa loob ng abandonadong bahay,

Umaawit ....... at tumutugtog ng piano....

May kahina-hinalang lalaki ang pumasok at napatigil sa pagtugtog si Avarina. 

-------------------------------------------------

Ano kaya ang nangyari kay Avarina at sa misteryosong lalaki? Abangan yan sa mga susunod na kabanata! :)) Enjoy reading this!

KundimanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon