Chapter 12 (happy monthsary family!)

20 4 0
                                    

Jamie

Maya maya nakaramdam na ako ng patak ng ulan sa pisngi ko. Minulat ko ang mata ko

"Chans" tinignan ko siya pero hindi si Chans ang nakita ko.

"Hi" sabi niya saakin sabay ngiti! Anak ng tipaklong! Grabe mamatay na ako sa sobrang kilig. Pero syempre patay malisya pa din pero omg ang gwapo niya talaga huhu

"Asan si Chans? Diba kasama mo si Ferlene?" Tanong ko sa kanya. Kunware di pahalata

"Grabe ka. Ako nasa tabi mo pero iba hinhanap mo" sabi niya. Naku po kinikilig ako tulong "joke haha nakita ko kasi kayo so pumunta ako dito tas tumabi ako kay Chans. Tinanong niya si Ferlene tapos ayun pinuntahan niya. Grabe crush niya ata eh" tuloy niya. Oo Talaga hindi lang niya crush kuya! Mahal niya! Ay naku manhid eh

"Bakit ikaw? Crush mo rin siya diba?" Tanong ko. Hindi ko alam pero kusang lumabas yang mga yan sa bibig ko.

"Hindi. Kaibigan lang kami" sabi niya. Wahahahahahaha may chance pa lola mo.

Natahimik siya. Oo ramdam ko ung ambon pero para saan pa? Katabi ko na siya di na ako magkakasakit. Susulitin ko na ung pagkakataon noh.

"Ah" yan nalang lumabas sa labi ko. And ngayon ko lang ulit naalala ung signs! Anu na ulit un?

Inopen ko ang book na yun at heto pala

Talk to Him/Her and ask if whats his/her favorites and you must have the same favorite

"Ah Carl--" naputol ung sinabi ko

"Umaambon na tara sa loob" sabi niya saakin. HUHU TADHANA BAKIT ANG BAD MO SAAKIN? PAGNAKITA TALAGA KITA MUMURAHIN KITA -.- Naglakad na siya pabalik ng mall at ako? Sinundan siya with matching DISAPPOINTMENT FACE. . At yun nga talagng umulan na -.-

Pagpasok namin agad kaming pumunta sa shop na andun daw si Ferlene. Papalapit palang kami ng makita ko na si Chans na katabi ni Twittle? Siya ba yun? Tas asan si Ferlene? Hays -.- tumigil ako sa paglalakad at tumalikod nalang. Ayaw ko siyang makita eh. So naglakad ako papapuntang timezone pampatanggal ng stress -.- Papasok na ako ng timezone ng may humawak sa kamay ko OMG

"Asan ka pupunta?" Sabi niya. Carlos pupunta akong Cr promise halata pumasok nga ako eh.

"Maglalaro muna ako. Ang boring eh"

"Sama ako bored na rin ako eh. Lagi nalang si Ferlene kasama ko" sabi niya sabay ngiti. Oo na ikaw na gwapo huhu "halika na" nakatulala na pala ako kanina. Kahiya.

Hinawakan niya kamay ko. Pwede na akong mamatay neto. Joke syempre hindi pa noh. Hindi kami kinakasal eh. Bumili kami token at hinila niya ako papunta sa basketball thingy. Huhu sige siya lang magsaya.

"Laro tayo basketball?" Tanong niya

"Hindi ako marunong eh. Sige ikaw nalang panoorin nalang kita"

"Halika turuan kita?" Sabi niya. Grabe huhu ayoko na. In any minute mahihimatay na ako. Kinikilig na ako masyado.

"Hindi na. Sge lang." Pakipot mode. Sige na Carlos pilitin mo ako dalii

"Ah sge. Pag nasa basketball court nalang tayo. Dun kita turuan." Sabi niya.

"Sge. Ganto nalang kung naka 100+ points ka libre kita?" So heto ako Feeling Close na. Wag kayo ngayon lang toh susulitin ko na po

"Sge ba! Deal?"

"Deal"

Naghulog na siya ng token at nagsimula na siya. Una palang nakashoot agad siya. Tuloy tuloy yung shoot niya. Isa lang ata yung hindi niya nashoot nakakuha na siya ng 150+ points. RIP WALLET huhu. Naka abot siya ng second round.

That Crazy Love Story (Juan Karlos Labajo fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon