Chapter 14 Mika's treat.

14 0 0
                                    

Jamie.

"Hoy sabay tayo uwi!" Sabi ni Kai

"Pagkatapos niyo akong iwan? Hampas you want?"

"Eh. Sa ang pogi ni Darren eh. Pero alam mo ba wala si Jk at Chans din sa game tuloy si Darren lang ang hot" Kai

Masyado na atang nainlove toh kay Darren eh paano masyadong pafall si Darren ito namang bestfriend ko umaasa. Pero exepexting na hindi paasa si Darren kasi kung nagkataon naku po patay saakin yan.

Inirapan ko siya at sinuot ko na yung helmet ko.

"Uy sige na ah! Wala akong dalang motor." Sabi niya

"Ayaw! Tanda mo hindi lang ako kaibigan mo kaya kila shar ka sumabay"

"Eh si Shar walang dala kaya sabay sila ni Mika. Ang daya mo talaga forevers" sabi niya sabay irap. Magsasalita na sana ako ng

"Hi Lyn! Hi Jamie." Sabi ni Darren. Hmm omg walang dalang sasakyan si Kai hahaha heto na.

"Hi Darren walang sasakyan si Kai pwede ikaw nalang maghatid sa kan--" Pinutol lang naman niya yung sinasabi ko

"Ahy magtataxi na pala ako pauwi! Ingat ka--" pinutol din siya hahaha

"Halika sabay na tayo" sabi ni Darren sabay hawak sa kamay ni Kai. Ahem may tao pa pong nakakakita and si Kai sobrang sama ng tingin pero namumula ung pisngi. Omg ang cute nila as in. "Ano tara?"

"Sge una na ako ha? Ikaw nang bahala sa bestfriend ko Darren. Wag mong iwanan."

"Sge ingat ka" sabi niya at sinumulan ko na ang pagstart sa motor ko. Bago ako umalis kinindatan ko muna si Kai na pangasar hahahaha. Bawi lang. Baliw naman talaga siya sa kay Darren eh.

Pagpunta ko sa bahay nadatnan ko si tito na nakaupo at nanonood sa sala.

"Tito!" Tumakbo ako para puntahan siya.

"Oh Jamie ang laki mo na!" Sabi niya sabay tingin saakin. Kunti nalang magkaheight na kami hihi.

"Kanina ka pa namin inaantay panget" sabi ng epal kong kapatid.

"Che! Tito bakit ka nga pala andito?" Pagkasabi ko nun. Dumating si mama na may dalang Brownies! Binake niya nanaman siguro yan. Pagdating niya hinalikan ko siya at lumapit ulit kay tito.

"May pinapasabi kasi ang daddy niyo" sabi niya at nataranta agad ako. Namimiss ko na siya eh.

"Huh?!? Anu po yun?!?" Sabay nalang kami ng kapatid kong sinabi yan.

"Jamie sabi ng Daddy mo pag nakakuha ka daw ng mataas na rank sa batch niyo, dun ka na daw pagaaralin sa New Jersey. May nakita kasi siyang school dun. Ganun din sayo Sam pero kailangang pagkatapos niyo ng elementary and highschool dun lang kayo papapuntahin dun. Galingan niyo para naman magkita na ulit kayo" sabi ni Tito. Actually dati ko pa iniisip na mag aral ng mabuti para din turn on saakin si Carlos kahit papaano at hindi ako papayag na hanggang friends lang. Para kasi saakin parang joke lang ung nangyare kanina kaya balik hindi pansinan kami.

"Yes tito! Promise" sabi ko with matching taas kamay pa.

"Oh sige. Aalis na rin ako kasi may trabaho pa akong gagawin. Alagaan niyo nanay niyo at magsumikap kayong magkapati" sabi niya tapos tingin kay mama. "Kapatid alis na ako! Bye mga pamangkin!" Sabi ni tito

"Bye tito ingat!" Sigaw namin ni Sam.

Miss ko na si Papa at gusto ko maturn on saakin si Carlos kaya pagbubutihin ko pag aaral ko.

**

"Hoy gising!" Napamulat nalang ako ng mata at nakita ko si KAI. Pinikit ko nalang ulit ung mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Crazy Love Story (Juan Karlos Labajo fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon