Please don't expect immediate updates here. Priority natin ang second generation. :)
--
"PJ, pakiabot nga 'yung bote sa lamesa," sabi ni Cupid sa kaibigan habang binabantayan si Kiro na nasa crib pa at natutulog. Bahagya itong gumalaw kaya naisip ni Cupid na ibigay ang gatas nito para makatulog ulit ng mahimbing.
Iyon ang paniniwala ni Cupid sa mga bata. Konting galaw lang, iniisip agad nito na gutom ang bata kaya laging binibigyan ng gatas ang anak.
Hindi naman siya pinansin ng kaibigan. Sa halip, lumabas ito ng bahay akay-akay si Cloud na masiglang tumatakbo at nakikipaglaro sa tatay nito.
"Tangina talaga nung gagong 'yon, akala mo walang narinig ang putangina," reklamo ni Cupid kay Thunder na binabantayan naman si Theon na naka-dapang natutulog sa may sofa.
"Mas gago ka kasing animal ka," sagot ni Thunder bago initsa kay Cupid ang boteng naroon sa may sa lamesa.
"You shouldn't have texted Stephanie with those words," sabi naman ni Blue na karga-karga si Enzo at pinapatulog ito.
Iiling-iling naman si Cupid na ibinigay kay Kiro ang bote ng gatas nito. Hindi naman kasi niya sinasadya 'yung text na 'yon kay Steph. Ilang beses na niyang sinabi na na-wrong send nga, eh. Tangina lang talaga ni PJ at hindi siya maintindihan. Halos isang linggo na din siyang hindi kinikibo ni PJ. Mapa sa opisina man o sa SD o kahit nga sagot sa tawag niya, 'di ginagawa ng gagong kaibigan niya, eh.
"Kailan ba babalik sila Sisiw?" tanong ni Cupid na umupo sa tabi ni Thunder. Tinulak naman ni Thunder si Cupid ng mahina. "Lumayo ka nga. Ang clingy mong gago ka," sabi nito na tila asiwang-asiwa sa kaibigan.
"Arte mo, akala mo naman kinagwapo mo," sabi ni Cupid na nakasimangot.
"Tomorrow afternoon," Blue answered. Tinignan ni Thunder si Blue. "That's what Cyanelle told me," he added.
Napasandal na lang si Thunder at napapikit. Kaninang umaga kasi, napagdesisyunan ng mga asawa nilang mag-overnight ng sila-sila lang. Steph brought Caryl with her, Cyan brought Lean, as well. Ang mga lalaking anak, iniwan sa kanila.
Stephanie said, it's for them to learn, too. Alam naman na nila kung paano alagaan ang mga anak nila. Hindi naman na ito tatlong buwan o lima. Kayang-kaya nilang alagaan ang mga ito.
Of course, Rain was hesitant to leave Theon with him. He frowned at that thought. Wala atang tiwala si Rain sa kanya, eh.
PJ was the luckiest, though. Hindi naman kasi batang-bata si Cloud. He's almost three years old.
"Cloud," Blue called Cloud who was running towards Thunder.
"Tito Thunder! Tito Thunder!" Cloud excitedly slammed himself to Thunder.
Tawa naman ng tawa si Thunder dito nang magsalita ito nang magsalita at magkwento. Cloud was like their first son. Lahat sila, actually. Ito kasi ang unang ipinanganak sa lahat, eh. Kaya ito din ang pinaka-spoiled sa ngayon.
Kumuha naman ng tubig si PJ bago lumapit sa mga kaibigan. Inilapag ni Blue sa tabi ng natutulog na si Kiro si Enzo na tulog na din.
"Cloud, lower down your voice. Natutulog sila," sabi ni PJ sa anak bago uminom ng tubig.
"Yaan mo lang, PJ, nagkukwento si Cloud, eh," sabi ni Cupid dito na tila gumagawa ng paraan upang kausapin ito ni PJ.
"Hindi ka kinakausap," ismid naman ni PJ dito. Hanggang ngayon kasi, naiinis pa rin ang lalaki sa kaibigan.
"Brod, galit ka pa din? Tangina mo, sorry na nga, eh," sabi ni Cupid na binato si PJ ng throw pillow.
"Tangina," asar na binato pabalik ni PJ ang unan kay Cupid.
BINABASA MO ANG
Four-Ever [Short Story]
HumorPaul Jake. Cupid Angelo. Thunder. Blue Andrew. Story of bromance.