The Reunion

71.1K 2.1K 670
                                    

Warning: Umuulan ng mura dito. Please, kung mabait kayo at ayaw niyong makabasa ng ganoon, huwag na tumuloy. Okay? :)

This short story is just for fun. Namiss ko lang ang 1st gen ko. :)

--



Maaga pa lang ay abala na ang lahat para sa reunion nila PJ, Cupid, Thunder at Blue. Kagabi pa rin nagtatalo ang mga ito kung bakit ba kailangan nilang magreunion. They see each other everyday, para lang silang naggaguhan sa plano ni Cupid. 

They said yes, nevertheless. 

"Tangina kasi talaga ni Kupido" ani PJ habang katulong si Thunder na binubuhat ang isang sofa. Sa dating bahay ni PJ gaganapin ang reunion kaya naman inaayos nila ang mga gamit dito at inililipat ang ibang gamit para magkaroon sila ng mas malawak na espasyo para sa pamilya nilang apat.

"Inano kitang hayop ka?" tanong ni Cupid na nakaupo sa pang-isahang silya at naka-dekwatro pa. 

Nilingon ito ng masama ni Thunder at huminto sa ginagawa.

"Tumulong ka kayang gago ka? Hindi 'yung nakaupo ka lang diyan, putangina ka." sabi naman ni Thunder dito na halatang nabuburyo na. 

"Mamaya na. Nasaan ba si Blue?" tanong ni Cupid sa dalawang kaibigan na buhat pa rin ang sofa. Lumingon-lingon pa ito para hanapin si Blue. Kanina pa wala ang kaibigan nilang iyon. 

"Wala akong pakialam sa baklang 'yon, ibato ko 'to sa'yo, eh," ani PJ matapos ilagay sa sulok ang sofa. 

Silang apat kasi ang inutusan ng mga asawa nilang ayusin ang bahay. Sinabi ni Cupid na itapon na lang daw ang mga gamit na naroon pero nabatukan siya ni PJ ng tatlong beses dahil doon. It was his house, hindi pa sila kasal ni Steph noon ay bahay na niya iyon. Plano nilang paupahan ito pero naisip nila na gamitin na lang itong tambayan nila kapag ganitong magkakasama silang lahat. Nagsasawa na kasi sila sa bar ni Blue at nagsasawa na rin daw si Thunder sa kakabayad. 

Isa pa, banned silang tatlo doon ngayon dahil nakabasag sila ng anim na bote nang subukan nila ang ginagawa ng bartender. They thought flaring was easy. Mas madali palang manuod lang.

Akala naman nila nagbibiro lang si Blue nang sabihin nitong hindi sila pwedeng pumasok sa bar nito pero ang gago, seryoso pala. May mukha pa nilang tatlo sa may pinto ng bar at nadagdagan pa ang bouncer doon. Up until now, pinagbabalakan pa rin nila PJ, Cupid at Thunder na ibanned si Blue sa opisina nila. 

Gantihan lang.

"Sino bang magluluto mamaya?" tanong ni Thunder kay PJ na umupo sa sofa na buhat nila kanina. 

"Baka si Steph. Andun naman silang apat, kaya na nila 'yon. Gusto mo, 'yung bunso niyo na lang magluto para lahat tayo, hindi makakain ng maayos mamaya," sagoy ni PJ sa kaibigan. He shrugged and took off his shirt. Pawis na pawis na din naman ito kaya tinanggal na nito ang suot na damit.

"Tangina mo. Wag mo na idamay si Mika. Kapag nasunog 'non ang bahay mo, hindi ako magbabayad sa'yo," ani naman ni Thunder sa kaibigan. That's the thing about their friendship, kahit ang mga kapatid ng bawat isa, itinuturing nilang kaibigan... kapamilya. That's how close they are. 

Hinubad na din ni Thunder ang suot na shirt dahil basa na rin ng pawis ang damit nito. Naka-menos sila ng punta sa gym ngayong araw kaya naman hindi na rin nagreklamo ang mga ito sa mga pinagbububuhat nila. Pero malapit na nilang masapak si Cupid na dalawa. Nakatingin lang kasi ito sa kanya at kay PJ habang nagbubuhat silang dalawa at naglilipat ng mga gamit doon.

It was really a good thing na maganda ang hubog ng katawan nilang apat. At hindi lang sila puro gwapo lang, may utak sila at may pera pa. 

"Pero nasaan nga si Blue kasi?" Cupid asked again. 

Four-Ever [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon