Two

40.8K 1.4K 352
                                    

Hello, this is just for fun and we're just making silip sa life nila.

Walang regular updates ito. Hehe.

--

Mainit ang ulo ni Thunder nang magpunta siya sa opisina nila kinabukasan. Hindi siya kinakausap ni Rain mula pa nang isang araw at wala na ring mapaglagyan ang inis niya.

He was trying to talk to her, to woo her, pero wala. The worst part is, ayaw pa nitong tumabi sa pagtulog sa kanya. Sa kwarto ito ni Theon natutulog kasama ang anak nilang dalawa. Mag-isa tuloy siyang nasa kwarto nilang mag-asawa.

He was frustrated as fuck. Hindi naman kasi talaga niya kilala kung sino 'yung Lanie na 'yon. Ano bang malay niya? Wala siyang natatandaang babaeng nakasex niya na Lanie ang pangalan at higit sa lahat, safe sex siya noon lagi. Kailanman ay hindi niya nalimutan na hindi gumamit ng condom. Tanging sa asawa niya lang siya nakipagtalik ng walang proteksyon.

Mas lalo namang nasira ang araw ni Thunder nang magpasukan sa opisina niya ang tatlong gagong kaibigan niya na nakangisi pa sa kanya na tila nang-aasar dahil alam ng mga ito ang nangyayari sa kanya. Kung pwede lang talagang pumatay ng kaibigan, baka nabawasan na silang apat.

Hindi naman na rin nakakapagtaka na alam ng mga ito ang nangyayari dahil napaka normal na sa kanila na alam ng isa't isa kung may napapalayas na ba sa kanilang apat. He remembered one time Cupid was calling his phone because Cristine got mad at him. Bago niya pinapasok sa bahay niya si Cupid ay tinawagan niya muna si PJ at Blue para sabihin ang nangyari kay Cupid. Ito ang naging pulutan nilang apat nang magkita silang muli.

"Pare, Biyernes Santo ang datingan ng mukha, ah?" bati sa kanya ni PJ na umupo sa may couch sa opisina niya. Hindi niya ito pinansin dahil iniisip niyang baka umuwi ito sa asawa na may blackeye.

Instead, he fires up his laptop and starts scanning his files. Marami siyang kailangan na asikasuhin kaya kailangan niyang unahin iyon. He was trying to concentrate but Rain's angry face popped into his mind.

"Tangina," usal niya na napapailing.

"Hindi ka na ba makascore kay Misis? That's sad," pang-aasar pa nito sa kanya. Tinignan niya ito ng masama.

"Ano na balita sa anak mo? Tanggap na ba ni Rain?" tanong naman ni Cupid na umupo sa tabi ni Blue. Nakangisi ito sa kanya at sa mga oras na 'yon, gustong manapak ni Thunder ng intsik.

"Putangina mo," tinitigan na lang ng masama ni Thunder si Cupid. Iiling-iling na ibinalik niya ang mata sa screen ng laptop niya. Halos hindi nagreregister ang nakikita niya sa screen at hindi niya maunawaan ang mga dokumento na binabasa niya. Naiwan ata niya ang isip kay Rain.

"Sweet mo, 'pre. Putangina mo rin," sagot naman ni Cupid sa kaibigan. "Nagkita na kayo ni Lexie?" tanong nitong muli kay Thunder. Nakangisi pa rin ito sa kaibigan na tila nagugustuhan ang nagiging reaksyon ni Thunder.

"Ang bobo mo. Her name is Lanie, dumbass," sabi naman ni Blue kay Cupid. "Umusog ka nga, magkapalit tayo ng mukha, lugi ako sa mukha mo," sabi pa ni Blue na tinulak palayo si Cupid.

"Ay, tangina. Nahiya ako sa mukha mo, ah? Hindi kaya ako ang malugi? Lagi kang nakakunot noong hinayupak ka," sabi naman ni Cupid kay Blue habang nakasimangot.

"I won't trade my face to yours. Asa ka, gago," ani Blue sa kaibigan bago ibinalik ang atensyon sa cellphone nito.

"Close kayo 'nung babae, Blue?" tanong naman ni PJ kay Blue habang nangingiti. Mukhang si Blue naman ang balak na asarin ng mga ito. Sumandal pa ito sa may upuan at ipinatong ang paa sa may coffee table na naroon habang hinihintay ang sagot ng kaibigan.

Four-Ever [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon