Michaelangot and Tabangelica

72 3 0
                                    

Alam inyo ba yung feeling na 'kaibigan lang'? Yung halos sa kanya na ang ikot ng mundo mo pero eto sya humaling na humaling sa iba.Haay life, bakit kung sino pa yung nagmamahal Sya pang nasasaktan.

'Michael Titus Ferrer,kailan mo ba ako mapapansin na Hindi lang Basta best friend mo?' Araw araw ganyan, ganyang ganyan ang tumatakbo sa isip ko. Bat ba kasi best friend ko pa?Ang cliché ba?Siguro ang tingin inyo Oo pero Gosh! Ang hirap kaya ng situation ko! Nakakaloka!

Angelica Perez at your service mga tsong! Oo ako na, ako nang tanga! Tanga sa pag ibig na yan. Pero sino nga naman bang hindi magkakagusto sa isang Michael Titus Ferrer? Gwapo,Mayaman,Talented,Charming, lahat na ata ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa kanya na!

Pero kung sa tingin inyo ay yun lang ang nagustuhan ko sa kanya, eh nagkakamali kayo. Bata pa lang kami nung naramdaman ko ito, matagal ko ng nararamdaman na may kakirihang dumadaloy sa ugat ko para Kay Michael! Haha Mahal na mahal ko yun eh.

Actually,napaka sungit nya dati!Hindi mo talaga makakausap, pipilosopohin ka nya,pero ewan ko ba at gusto ko pa rin sya.. Tandang tanda ko pa nung Grade 1 kami.. Sa classroom yun nangyari.

"Michael"

"Psst! Michael!"

"Hoy Michael!"

"Oy"

"Uy!"

"What?????!!!!" Sa wakas lumingon din ..Seatmate ko kasi sya.

"May ano ka kasi ..." Itinuro ko yung ilong nya.Ngingiti ngiti pa ko.

Pero di nya ako pinansin..Kaya tinawag ko ulit sya...

"Mi.... Chaeeeel.."

"Oh Michael!"

"Uy pogi!"

"Uy sungit!"

"Snobero!"

"BAKIT BA ANG KULIT MO?! ANG INGAY MO EH!"

Napalakas pa ang boses nya kaya...

"Why are you shouting in the middle of the class Michael?Is there any problem?" Si mam na Englishera.. Grade one palang kami pero kung maka English! Hirap tuloy ako... Nosebleed Tol!

"Teacher. , I'm sorry. She's the reason why I shout,she's very annoying." Sabay turo pa sa akin

"Teacher..di po yun totoo."

"Please speak in English." Pahirap nman eh. Hirap nga akong mag English eh..

"Teacher... I'm not.. I'm not.. I'm not.. Ay nako! Teacher sasabihin ko lang nman po na may kulangot sya!"

Nagtawanan ang buong klase.. At pulang pula si Michael.

"Oh." Yun na lang ang nasabi ni mam habang natawa.

Natapos ang klase.
Sinundan ko sya sa play ground mg school.Sinisipa yung mga batong maliliit.

"Argh! I don't want to talk to you! Ever!" Sabay yuko.. At upo sa lupa.

"Tumayo ka nga dyan.. Madumi dyan. Sabi ng mama ko di daw magandang umupo sa lupa kasi dirty at madaming germs.Bahala ka memeya may sakit ka na.Tapos sasakit tyan mo, bubulatihin ka!Yuck kadiri kaya yun!."

"I don't care.You're very talkative.Shut up! I *sniff* will not talk to you!"

"Ay bakit ka umiiyak?"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon