His Call

29 1 0
                                    

Nagising ako na yapos yapos tong si Mr.Cuddles.Ang sarap sarap sarap yapusin sobrang lambot!Napasarap nga pati yung tulog ko eh buti na lang at sabado ngayon.

Nag pray muna ako saka ginawa yung morning rituals ko bago ako bumaba.Same routine as always.

Nak! Good morning,tinanghali ka ata ng gising ngayon ah?

Ma napuyat po kasi ako kagabi gawa nung assignment ko.
Idinahilan ko na lang yung 'assignment' ko..Sorry po!

Kumain na kami ng agahan.

Anak,kanino galing yung malaking teddy bear sa kwarto mo?tanong ni papa.

Di ko po Alam pa eh...

Aba'y may manliligaw nanaman ba sayo anak?Manang mana ka talaga sa akin.. Habulin din! Hahaha...sabi ni papa.

Haha...Papa talaga palabiro eh.

Akala mo siguro nag bibiro ako no?Nung binata pa ko madaming babaeng nahuhumaling sa mukhang to.. Mga babae ang nanliligaw sa akin at hindi ako...Itanong mo man dyan sa nanay mo.Sabay tawa pa ni papa.

Anong gusto mong palabasin ha Samuel?! Na ako ang nanligaw sayo?!

Sayo na nanggaling yan ha?Hindi naman talaga mapagkakailang,magandang lalaki ako nung araw kaya habulin ako ng mga babae,kasama na yang nanay mo.

Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Hoy Samuel ikaw kaya yung nanligaw sa akin!

Ala ka papa!Galit na si mama!hahaha nakakatuwa sila mag away eh.

Eh sa pag kakatanda ko eh ikaw yung nanligaw?Biro naman ni papa.

Tigil tigilan mo ko Samuel at baka maniwala tong si Angelica!Pag di ka tumigil matutulog ka sa labas mamaya!

Kahit kailan talaga...Pikon si mama. Kaya lagi naming napag titripan ni papa eh.Partners in crime kami papa no!

Syempre naman ayaw ko..
Oo na nga..Ako na nga nanligaw sayo kasi dyosa ka kaya ng kagandahan,at ang sentro ng aking mundo.Huwag ka na magalit.Alam mo namang mahal na mahal kita eh ....

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon