2

22 1 0
                                    

What is Love?

Love is in the air.

Yan ang motto ko about love.

Ako nga pala si Chie. Yan ang tawag nila sakin since grade school. But in reality, I'm Mitch Santos, 6teen years of age and a 4th year high school student.

Second year pa lang ako nagkaron na ko ng boyfriend. Nagsimula yun sa pinsan kong si Jelai. Since transferee ako that time, syempre bagong mukha madami agad ang nanligaw sakin. That time diko alam gagawin ko kasi nga never pang may nanligaw sakin nun. At iyon din ang kauna-unahang away namin ni Jelai. Bakit? Kasi daw nung wala pa ako, nasa kanya ang atensyon ng mga lalaki sa amin. Hayst!

Fourth Year .....

Fourth year High school ako nung natuto akong magseryoso sa relationship. 

So ayun nga nanliligaw na sakin si Alby.  

 Malapit na mag Christmas break nun. Gala dito, gala doon.

Every christmas break lumuluwas kami sa Manila kaya ayun napalayo ako kay Alby pero di naman nawala ang communication namin. Palagi kaming magkatext at magkatawagan nun mula umaga hanggang gabi.

So ayun na nga ...

Bago mag New Year bumalik na kami nila mama sa Bulacan.

January 1 ng umaaga pumunta kaming magkakaibigan sa bahay nila kuya Jay at kasama ko dun si Alby. Medyo awkward hindi ko alam kung bakit ganun HAHA. Magkatalikod lang kami the whole time. Alam nyo yung awkward moment na sa text sobrang close nyo pero pagdating sa personal nagkakahiyaan kayo? Ganern!

Tapos ayun nagulat ako may inabot sya sakin, gift daw nya nung Christmas. So mag gagabi na nun kaya nag-uwian na kami. Hinatid nya ko pauwi kasi may motor naman sya.

Pagdating ko sa bahay binuksan ko agad yung binigay nya sakin, nakakatawa nga e may price tag pa! HAHAHAHAHAHAHA

Nung gabi na, nagulat nalang ako sa mga text nya. Sabi nya ayaw na nya :( Alam ko naman na ako din yung may kasalanan kung bakit. Buong araw nga kaming magkasama pero wala naman kaming pansinan. Hindi ko alam kung bakit ganun ako, siguro nahihiya ako sa kanya. Ewan ko ba!

Bongga no? Bagong taon na bagong taon, ayaw na daw nya sakin! HAHAHAHA PAAAARTTTTYYYY!! Ganda ng pasok ng bagong taon sakin garaaabeee!!

Lumipas ang ilang linggo at nagmakaawa ako sakanya na ligawan nya ulit ako. Sabi ko magbabago na ko, babaguhin ko yung sarili ko para sakanya.

January 24 sinagot ko na sya. So its official.

May pinanlaban yung school namin sa Mr. and Ms. STI sa Robinsons, required kami na pumunta dun para maging audience at i-cheer ang pambato ng school namin. Pinasuot sakin ni Alby yung binigay nyang damit sakin and nagulat ako dahil couple shirt pala yun HAHAHA

Para sakin sa mga panahon na yun, iyon na ata ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Sobrang sweet nya. Oo, niyayakapa nya ko at srsly kinikilig naman ako HAHAHAHA inlove eh.

February 14

Alby: May ballpen ka pa? (Umupo sa tabi ko at kinalabit ako)

Chie: Wala eh.

Actually bitter talaga ko sa Valentines Day since 2nd Year. Pero oo, aaminin ko nag-eexpect ako that time na may surprise sya para sakin.

Pagdating ng tanghali wala ng klase. Since Valentines Day, may program sa school. Blind date, Marriage Booth at kung anu-ano pa. 

Chie: Be, nakita nyo si Alby?

Classmate: Hindi eh.

Pagka-cut ng klase bigla nalang naglaho si Alby sa tabi ko. Hanap ako nang hanap sakanya pero hindi ko sya makita at bigla kong naalala yung sinabi sakin nung barkada nya kahapon.

Kris: Chie, unahan mo na si Alby

Chie: Huh? Panong unahan? Di na kita maintindihan!!

Kris: May balak na syang makipag-break sayo bukas at sabi nya pa samin dapat daw hindi ka na nya niligawan.

And I just started crying na at di makapaniwala sa mga sinabi nya sakin. Hindi ko alam gagawin ko that time.

---

Sa wakas, nakita ko din si Alby at kasmahan nya si Marky.

Chie: Oh Marky nasan na si Alby? Diba magkasama kayo?

Marky: Ah pupunta daw sya sa mga barkada nya.

Chie: Ah ganun ba?

Marky: Oo.

Chie: Uhm .. Marky?

Marky: Bakit?

Chie: Hindi ba nya ko nabanggit sayo?

Marky: Hindi eh

Chie: Aww, sige salamat.

Marky: Ayy nabanggit ka pala nya kanina

Chie: Oh talaga? Ano sabi?

Marky: Kaya lang ang sabi nya "Kaya nga ayoko sa room kasi nandun si Mitch". Sabi ko kasi sakanya kanina "tara Alby dun tayo sa room nandun si Chie"

Gusto kong maiyak sa mga panahon na yun kaya lang di naman pwede yun dahil maraming tao.

Open gate na, pwede ng maglabasan ang mga estudyante. Pagtingin ko sa gate nakita ko si Alby nakasakay sa motor at paalis na. Wala na kong nagawa kundi panuorin syang lumabas sa gate.









Hey, Heartbreaker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon