3

28 1 2
                                    

Wala na kong nagawa sa mga oras na yun. Pinuntahan ko agad si Kris, barkada nya.

Pagdating ko sa classroom nila Kris ay nakita kong nag-aaway sila ng girlfriend nyang si Ginny, pinsan ko. Sinabi ko sakanila ang nangyari samin pero alam ko naman na wala sakin yung focus nilang pareho pero nagpatuloy parin ako.

Pumunta kami sa canteen para pag-usapan yung samin ni Alby. Tumulo nalang bigla ang mga luha ko habang nagkwe-kwento sakanila kaya tumakbo ako paalis. Nakasalubong ko si Lily (barkada nila Alby) at tinatanong kung bakit ako umiiyak, hindi ko sya pinansin at dumiretso papuntang classrom. (Hindi naman kasi kami close.)

Sa pagbalik ko sa classroom, nandun yung mga kaibigan ko. Nilapitan agad nila ako at tinanong kung ano ang nangyari. Hindi na ako nahiyang maglabas ng emosyon since mga kaibigang totoo ko naman sila. Doon na nagsimula ang pag-comfort nila saking lahat. May ibang puro positive ang sinasabi sakin at syempre hindi rin naman mawawala ang mga nega kong kaibigan. Hindi ko alam kung ano at sino ang paniniwalaan ko sakanila. Binalibag ko na ang cellphone ko sa sobrang galit kay Alby at muntik ko narin sirain yung gitara ko HAHAHA!

Nandun ang bestfriend kong si ChaCha sa mga panahong nagda-drama ako pero since Valentine's Day syempre may date sya pero mas pinili nyang samahan ako sa kadramahan ko.

Maya-maya ay pinuntahan ako ng pinsan kong si Ginny sa room at sinabing sumama ako sa gala ng section nila sa bahay ng boyfriend nyang si Kris. At sumama naman ako.

Sa bahay nila Kris

Pagdating namin sakanila, since classmates ni Kris halos lahat ng barkada nila ni Alby ay kinomfort nila ako at kahit daw sila ay hindi alam ang dahilan. 

Nagulat kaming lahat dahil bigla nalang dumating si Alby, at kahit sila ay hindi alam na pupunta si Alby. Tinitigan ko sya at alam kong nakita nya rin ako.

Kris: Pare, kausapin mo namna si Chie, magpaka-lalaki ka nga!

Alby: Ayoko pare, wala kaming dapat pag-usapan.

Kris: Anong wala?

Alby: Tama na pre, wag nyo kong pilitin kundi aalis ako.

Nakita ko syang lumabas at pauwi na. Nakaupo ako nun sa may bangkang nakataob nila Kris. Naguguluhan ang isipin ko kung hahabulin ko ba sya o hindi. Maya-maya pa ay para bang may humila sakin patayo. Hindi ko alam kung paano, para bang nagkusa bigla yung katawan ko na tumayo at habulin sya.

Chie: Alby!

(Parang pang tele novela lang HAHAHHAHA) Sinigaw ko ang pangalan nya at medyo malayo na rin sya.

Bumalik sya at pina-una na ang kasama nya.

Chie: Ano na? Bakit ka ganyan? Bakit ganun?

Wala na akong ibang masabi kundi "Bakit ka ganyan?" at "Bakit ganun?"

Fast forward

Alby: Mahal ko pa sya. Hindi pa naghihilom yung sugat sa puso ko.

Ouuuuccchhhhhhhh!!!!! Ang sakit mga bes! Mahal pa daw nya si ex!! Pero pot* bakit niligawan nya ko? Bakit nagbigay sya ng motibo para mahalin ko sya??

Napa-upo nalang ako bigla habang umiiyak. Sinubukan nya akong yakapin pero tinanggal ko ang kamay nya. Umalis nalang ako at iniwan na sya.

Bumalik ako kila Kris at kinwento ang sinabi nya. 

Kinagabihan ay sabay-sabay na kaming umuwi ng mga barkada nya.


Pag-uwi ko ay nawala na ako sa sarili. Hindi na ako kuma-kain at hindi narin ako lumalabas ng kwarto. Nanghina ang buong katawan ko at para na kong zombie.


Kahit ganun ang itsura ko ay pinilit ko paring pumasok para hindi ako mahalata nila mama.

Pagpasok ko sa room ay pinagtatawanan nila ang itsura ko, bagsak na bagsak at mukhang zombie. Hanggang sa kumalat na sa klase ang nangyari sa amin ni Alby.

Nakita ko si Alby at sa harapan sya nakaupo. Nakita ko syang tumingin sa akin at tila ba'y pinagtatawanan nila ako.

Nagpatuloy akong ganun sa loob ng isang linggo. 

Hanggang sa napansin na ni mama. Sabi nya ay pupunta sya sa school para itanong kung ano ang nangyari saakin kapag daw hindi ko pa sinabi sa kanya. Natakot ako dahil kahit naman adviser ko ay walang alam sa nangyayari sa akin.

Kinagabihan ...

Chie: Ma, sampalin mo nga ko.

Mama: Huh? Bakit naman?

Chie: Basta! Sige na.

Nini: Ako nalang. (bunso kong kapatid)

Chie: Sige

At sinampal nga ako ng pagka-lakas lakas.

Bigla nalang tumulo ang luha ko. (Sabi kasi nila mas masakit daw ang physical kesa sa emotional) At in fairness, effective sya.

At dahil don ay kinwento ko na kla mama ang nangyari sa amin ni Alby.

Ilang araw ang nakalipas ay bumalik na ako sa dati. At sa bawat araw na iyon ay hirap akong mag move on dahil nga magkaklase kami ay araw-araw ko syang nakikita.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey, Heartbreaker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon