1

39 1 0
                                    

Nag-uwian na halos lahat ng mga estudyante, pero kami naglalaro padin sa park.

"Chie, salo!" sigaw sakin ni Joj.


Bago umuwi, volleyball ang hilig naming magkakaibigan. 

Section namin ang palaging huli lumabas ng school, yung palaging beastmode samin yung guard para pauwiin na kami. Siguro dahil sinusulit lang namin ang huling taon namin sa high school.

Masasabi ko na dabest ang section namin, bakit? Kasi nasa amin na ata halos lahat ng klase ng tao sa mundo. Nandyan ang Queen Bee, Heart throb, Sketcher, Couples, Singers, Copying Machine, Sports Guy, Back of Class Crew, Gossiping Machines, Stressed-Out, Hyper Actives, Musicians, Out of Earth, Hard Workers, Bullies, and Class Bankers. 

Oo nag-aaway kami pero nagbabati rin dahil sa adviser namin. Kapag nakarating sa adviser namin yung mga kalokohan namin, nagpapatawag sya ng meeting every after class. Mahigit isang oras na usapan. Paikot-ikot hanggang sa magka-ayos ang lahat. Tapos kung sino ang nag-away sila ang magiging cleaners for the whole month. Grupo-grupo ang pagkakaibigan samin. Kanya-kanyang trip, gala, foodtrip at kalokohan. Pero pag once na inapi ng kabilang section ang section namin o kaya classmate namin, buong klase ang makakalaban nila. Yan ang section ko!


"Okay class, remember ngayon ang punta ni Mam Consolacion para i-check ang classroom natin. Make sure na malinis palagi ang classroom natin ha especially sa mga cleaners. Sisilip-silip din ako, at pag may nakita kong kalat yari kayo sakin! Understood?" Paalala ni Mam Che, ang aming pinakamamahal na Adviser.


At eto na nga ..


"Guys, nagchecheck na si Mam Consolacion. Malapit na yung room natin bilisan nyo maglinis na kayo!!" Sigaw ng bida-bida naming kaklase.

Yung tipong kung kelan palapit na samin si Mam dun palang kami maglilinis at syempre may look out pa. Aba matindi diba?


Okay!


"Taym pers!! Pahinga muna ko."

Sabay soundtrip with earphones.

Katabi ko nun si Alby, ang pinaka-talented sa room. Magaling sumayaw, kumanta, mag-gitara, mag-drawing, umarte at kilala sa school.

"Chie, yung pera mo nalaglag." 

Dahil nga naka earphones ako hindi ko sya pinansin.  

"CHIEEEEEEEE!!!!" Sigaw ni Alby.

"Oh bakit?"

"Sabi ko nalaglag yung pera mo."

"Hindi sakin yan, baka sayo yan"

Since naka PE ako that time at hindi naman ako naglalagay ng pera sa pants

"Hindi rin akin to"

Actually dapat aangkinin ko na yung pera pero syempre naisip ko na baka sakanya yun. Pero kung ako sakanya kinuha ko na yun HAHAHAHA.

"Osige ganito nalang. Tig-lima nalang tayo." Nakangiting sabi ni Alby.

"Sige ba! HAHAHA"


Si Alby ...


Second year pa lang ako kilala ko na sya. Meron syang girlfriend and simula nung first year sila na. Actually nung third year kami idol ko silang dalawa, realtionship goal! Kasi sweet naman talagang tao si Alby. And then suddenly, ayun nabalitaan namin na wala na pala sila.


Anyway, by the way, highway, sky way!


On my way home, biglang nagtext sakin si Alby which is not usual. Kasi hindi naman sya nagtetext sakin kahit pa na may number kami ng isa't-isa.

Text messages

Sender: Alby

Hi, salamat sa lima xD

Message sent

Chie: HAHAHA wala yun tsaka di naman akin yun e

Alby: HAHAHA secret lang natin to ha.

Chie: Oo ba

Alby: HAHAHA anyways, nakauwi ka na ba?

Chie: Kakauwi lang, ikaw ba?

Alby: Hindi pa

Chie: Bakit naman? Anong oras na kaya!

Alby: May pinapagawa pa kasi samin si Sir, kailangan ng tapusin.

Chie: Ayy ganon ba? Baka naman nakakaistorbo ako?

Alby: Hindi naman :)

Chie: Ganun ba? Sige bihis muna ko tsaka kakain nadin HAHA

Alby: Sige take your time and eatwell <3

Honestly, kinikilig ako sa mga time na nakatext ko sya. Hindi ko alam kung bakit. Parang may something o baka naman sadyang assumera lang talaga ako HAHAHA

Kasi naman, okay lang na maging assuming ako pag may time kasi dun na nga lang ako magiging masaya, ipagkakait ko pa ba sa sarili ko yun? Jusko pala!


So ayuuun, di ko napansin buong maghapon na pala kaming magkatext.


Chie: So .. Kwento mo na! Bakit nga kasi kayo nagbreak?

Alby: Hindi na kasi sya yung dati kong nakilala at minahal. 

Chie: Seryoso? Almost 3 years kayo diba? Bakit naman?

Alby: Hindi ko alam. Biglang ganun nalang! Sya naman yung gumawa ng way para lumayo na ko.

Chie: Wala talagang forever HAHAHA xD Idol ko pa naman kayo

Alby: HAHAHA xD Idol? Pano naging?

Chie: Wala lang. Ang sweet nyo kasi sa isa't-isa

Alby: Syempre, kailangan yun ano ka ba!

Chie: HAHAHAHA basta!

Alby: Ikaw talaga!

Chie: Anong ako? HAHAHAHA

Alby: Wala HAHAHAHA

Chie: Ewan ko sayo! Matutulog na nga ko

Alby: Wag muna!

Chie: Antok na ko e. Bukas nalang! See you sa school HAHAHA

Alby: Sige na nga! Goodnight :) Thank you sa time mo tsaka sa lima HAHAHA XD See you tomorrow ;)


Ako kasi yung tipo ng tao na makakain lang masaya na. Oo nagkaron na ko ng boyfriend pero parang wala lang. No touch, kiss, hugs especially sex! Walang ganon.

Tsaka wala pa sa isip ko yung magboyfriend ulit kasi nga feeling ko bata pa ko para sa mga bagay na yan HAHAHAHA.

Naniniwala kasi ako na hindi minamadali ang love. Hindi ito hinahanap kundi kusang darating. Na ang love ay hindi isang laro. At higit sa lahat ang love nakakasakit!



Hey, Heartbreaker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon