ITNOD 10: Worried Aila

193 2 3
                                    

R/D: 5/14/15


*Si Aila po ang nasa multimedia*


__________________________________________________________________


Aila's POV


Nanunuod ako ng TV ng biglang ibalita na may bagyo daw. Tss. Alas syete na, wala pa din si Claire. Hindi pa ito umuuwi. Inisip ko nlng nab aka natraffic lng sa daan o ano. Nakita ko pa nga na may missed call siya sakin kaya naman tinawagan ko siya uli kaso un-attended na ang phone niya. Hindi ko alam pero medyo kinakabahan ako. Baka naprapraning na ako.



Naghintay pa ako ng ilang oras pero hindi pa din siya nadating. Asan na ba ang babaeng un? San ba nagsususuot yon? Ni hindi man lang natawag o nagtetext. Masyado akong pinagaalala. Tss. Lagot to sakin paguwi. Pero iba talaga eh, pakiramdam ko may kakaiba eh. Shit.

Sinubukan ko uli siyang tawagan pero hindi siya nasagot. Ano bang problema nito at hindi siya nasagot. Baka naman napano na siya. Hala.


"Think positive, Aila. Wag kang nega!" Paulit ulit kong sambit sa sarili. Mukha na nga ata akong tanga dito. Argh! Lagot ka talaga skin Claire pag umuwi ka.

Naisip kong tawagan sina Sophy o Alex dahil baka nastranded siya sa daan o ano. Ini-conference call ko nalang para hindi ako mahirapan.


Aila: Hello, nandyan ba si Claire?

Sophy: Huh? Wala eh.

Alex: Wala din smin. Bakit?

Aila: Hindi pa kasi sya umuuwi galing sa mall. Kanina pa ako nagaalala. Baka napano na tapos bumabagyo pa.

Sophy: Ano k ba, na-traffic lng siguro un.

Alex: O kaya baka masyadong na-enjoy ang pagshoshopping at di namalayan ang oras. Hintayin mob aka pauwi narin yon.

Sophy: Tinawagan mo na ba?

Aila: Oo kaso unattended lagi eh.

Sophy: Baka nalobat

Alex: Subukan ko ding tawagan siya. Ganito uhm, pag hindi parin siya umuwi mamaya eh tawagan mo uli kami. Hindi naman natin alam kung nasan siya. Hindi naman nati peden ireport na missing siya. Kailangan pa nating maghintay ng 24 hours kung sakali.

Aila: Kinakabahan talaga ako eh.

Sophy: Wag ka ngang nega. Hahahaha. Kaya ka nagmumukhang matanda eh. Wahahahaha. Hehe joke lng pinapakalama lng kita. Bsta tawagan mo nlng uli kami. Tawagan ko din siya mamaya. Tapos pag hindi siya umuwi ngayon o bukas, hanapin nlng ntin siya, ok?

Alex: Balitaan mo kmi ha. Sge.

Aila: Thanks. Pasensya na sa istorbo ha.

Alex: Wala yon.

Sophy: Oo nga para san pa't naging magkakaibigan tayo? Hahahaha. Babye.

Alex: Ciao.

-

Pinilit kong isipin na baka nastranded lng sya o ano. Tas nalobat. Pero tan*ina. 11pm na at magaalas dose na pero wala pa siya. Agad kong tinawagan ang dalawa at sinabi ang sitwasyon. Nagsimula narin silang mag-alala.


Sophy: Ano aila, kalma ka muna. Mabuti pa magpahinga ka na muna. Bukas bukas hanapin natin siya.

Alex: Oo nga, tutulungan ka nmin.

Aila: Pano ako makaka-kalma eh wala parin siya. Sabi ko na nga ba eh may hindi talaga maganda. Pano kung may nangyaring masama sa kanya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Alex: Shhhhhh. Hindi nmn natin alam na magkakaganon dba? Aila, alam naming ang nararamdaman mo. Kinakabahan din kami pero wala naman tayong magagawa. Tsaka bumabagyo pa. Baka tayo ay mapano din. Hintayin na natin ang bukas. Pupunta kami diyan.

Sophy: Oo nga. Gabi na magpahinga ka na.

Aila: Okay.


Binaba ko na ang tawag. Kinakabahan parin ako. Wala parin siya eh. Kasalanan ko to eh. Dapat sinamahan ko nlng siya. Naiinis ako sa sarili ko! Sabi ko proprotektahan ko siya pero asan ako? Wala ako sa tabi niya. Naiiyak na ako. Tapos inabala ko pa sina Sophy tapos pinag-alala ko pa sila. Sa halip na nagsasaya sila sa bakasyon nila eh sinira ko ito. Asar.


Umabot na ng alas dose. Wala parin siya. Sinubukan kong humiga sa sofa saglit at umaasang paring uuwi siya. Maya maya bigla nalang nag brown-out. Bakit ngayon pa? Sinubukan ko uling tawagan siya pero ganun padin ang malala nalobat na ako. Hinanap ko ang flashlight sa may cabinet habang nangangapa sa dilim. Binuksan ko ang ilaw nito ng mahanap ito at nagtungo uli sa sofa para mahiga.



Just please Claire, come back!


Copyright © ClarisseTingchuy, 2013

||All rights Reserved||

IN THE NAME OF DESTINY ♥♥ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon