ITNOD 1: The Beginning

496 20 7
                                    

A/N: Nung isang araw pa akong kating kati na ipost to eh. Mwehehe. So ayan bago sya ha. Sana wag kayong malito. BTW hindi parin tapos ang pagrerevised to dito. Pinagiisipan ko pa kung maguupdate ako o tutuloy tuloy ko muna ang pagrerevise. Bahala na.

Anyways, ung mga naka italic dyan ay overview ng past nila. Sa ibang chapter may lalabas naring ganyan pero i am telling you. Hindi magkakasunod ung sequencing nung mga events na ipopost ko sa iba pang mga chapters. Basta! Pasilip lang yan ng past nila. Tsaka nsa 3rd persons pov yan. first time ko lang gumamit niyang pov na yan so sana maganda ang pagkakadescribe at pagdedetalye ko. Yaan niyo, mas magiimprove pa yan.

Nga pala binago ko ang category nung isa, gnawa ko ng Action. Un lang. 

- 5/14/14 - Revised Chapter 1

===================================================

*bang* *bang* Isang malakas ng putok ang pumalahaw sa isang abandonadong bodega kung saan nakapalibot ang maraming pulis sa bawat sulok ng bodega.

“Huhuhuhuhuhuhu” Iyak ng isang bata. Iyak ng paghihinagpis. Kitang kita sa kanya ang pagkatakot. Mga matang nagsusumamo at humihingi ng tulong. Pinilit niyang tumayo at sinugod ang isang matabang lalaki na ngayon ay nakaposas at pinalilibutan ng mga pulis. Agad niya itong pinagpapalo at patuloy na umaagos ang mga luha niya.

“Waaaahh. Kasalanan niyo toh. B-binaril mo siya. I hate you.” Naiinis siya sa nangyari.

‘Dapat ako ang nagligtas sa kanya’. Sambit niya sa sarili. ‘Kung hindi dahil sa akin, hindi sya mamatay. Kasalanan ko.’

Agad naman siyang nilapitan ng mga kaibigan niya at dinamayan sya sa pait na kanyang dinarama. Sinugod sa ospital ang batang nabaril. Agad naman ding sumunod ang mga kalaro niyang bata.

Nang makarating sa ospital, nag-iiyak siya sa kanyang nakita. At tila, yumanig ang mundo niya ng unti unting sinambit ng doktor ang mga katagang…

“Time of Death, 4:33pm”

Agad namang napaiyak ang lahat ng nandoon ng marinig ang masamang balita. Isa na doon ang mga magulang nito na marahas na nilapitan ang doctor

 

“Anong sinasabi mo? Patay na ang anak ko? Hindi. Sabihin mo hindi pa patay ang anak ko.”

“Im sorry ma’am”

“Akala ko ba gagawin niyo lahat ng paraan pra mabuhay siya, eh wala pala kayong mga kwentang doctor.”

“Again, sorry ma’am. We do our best pero mukhang hindi na kinaya ng katawan ng bata. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya.”

“Noo. Hindi. Gigising siya. I know that. Ju-just please.. Huhuhu” Tuluyan na itong nagbreakdown at napaupo nlng habang hawak hawak ng asawa ito.

 Dali dali namang sinugod ng bata ang doctor at pinaghahampas ito.

“Hindi! Hindi sya pedeng mamatay. Nagsisinungaling kayo. SInungaling kayo!” Agad naman syang pinigilan ng iba pang kasama pero patuloy parin syang nagpupumiglas. Kung kaya’t napilitan silang pauwiin muna ang bata.

Poot, lungkot, galit ang bumabalot sa kanyang puso. Sinisisi niya ang sarili niya. Kasalanan niya toh. May magagawa pa ba para mabuhay siya?

 

----

“Mommy…. Where are we going?” Pagtatanong ng batang babae. Nakasakay sila ngayon sa isang private plane papuntang ibang bansa.

IN THE NAME OF DESTINY ♥♥ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon