ITNOD 12: Home | Memories (Part 1)

198 4 1
                                    


RD: 6/14/15


__________________________________________________________________


Claire's POV


Asan ako? Ang dilim dilim. Para akong bumagsak sa isang napakalaking hole. Unti unting may lumiwanag at nakita ko ang isang batang lalaki. Tumatakbo ito sa akin. Hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko parang kilala ko siya. Sinubukan kong lapitan siya ngunit isang lalaki sa likod ng batang lalake ay tinututok ang baril nito.


"Umalis ka dyan! Babarilin ka niya." Utos ko sa batang lalake ngunit patuloy parin ang pagtakbo nito sa akin. Tumakbo din ako sa kanyang direksyon at tinaas ng batang lalake ang mga kamay nito na para bang gusoto akong yakapin at gaya niya ganun din ang ginawa ko. Nahawakan ko na ang dulo ng mga daliri niya ng bigla biglang bumagsak ito sa paanan ko. Duguan.


"AHHHHHHHHHHHHHHH"



Nasasaan ako? Madilim padin ang lugar ngunit may kaunting siwang ng liwanag na makikita na nagmumula sa sikat ng araw na tumatagos sa maliit na bintana. Nakarinig ako ng ilang mga bakal. Ibinaling ko ang aking tingin sa dalawang bata na nakikita ko. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Parang blurred ang lahat.


Pagbaling ko sa aking kanan ay nakita ang tumatakbong babae na kaninang nakagapos at ngayon ay unti unti nalang na bumagsak na duguan kagaya ng batang lalaki na una kong nakita. Nakita kong sumigaw ang batang lalake ngunit hindi ko mapakinggan ang sinasambit niya. Wala akong marinig.



"Claire" Narinig kong may tumawag ng pangalan ko. Ngayon naman nasa parang isang mataas na bundok ako. Punong puno ng mga bulaklak. Lumapit sakin ang isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakluban ito ng kanyang buhok. Humarap siya sakin, naka-ngiti at unti unting humugot ng ..... BARIL?


Itinutok niya iyon sakin. Ka-kailangan kong humingi ng tulong! Sumigaw ako pero walang sounds na lumalabas. Sinubukan kong gumalaw pero tila napako ako doon sa aking kinatatayuan. Ngumisi sakin ang lalaki. Nakakatakot ang ngisi nito. Narinig ko nalang ang malakas na putok na galing sa baril habang nararamdaman ko ang likido na umaagos sa aking dibdib. D-Dugoo!



"Oi oi. SG. HOY! Gising." Nararamdaman ko ang ilang mga tapik sa aking pisngi.


"AHHHHHHHHHHHHH." Agad akong napabangon habang hawak hawak ang dibdib ko. Pakiramdam ko para akong mauubusan ng hininga. Tiningnan ko ang dibdib ko kung may dugo pero wala. Panaginip. Masamamang Panaginip lng pala. Isang masamang bangungot.


"A-aray!" Aish. Nauntog ko nga pala siya dahil sa biglaan akong bumangon.


"S-sorry!"


"Shit. Anong klaseng bungo ba ang meron ka? Ang sakit, leche." Hinihimas pa nito ang noo niya habang bumubulong ng ilang mura.

IN THE NAME OF DESTINY ♥♥ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon