my player ( 4th part )

10 0 0
                                    

* fast forward *

 = nandito na kami sa secret place nila . yung lumang playground . dati kasing elementary school ito . teka , as in ito na yung tatambayan namin ? wow ha . ang ganda . ang ganda sunugin nung lugar .

me : hoy ! ito na ba ang sinasabi nyong secret place nyo ? ang pangit ahh .

elijah : wag ka nga excited dyan ! masyado kang atat . parang tao lang ang lugar na ito noh .

 = naglakad si elijah papunta sa isang grupo ng halaman .

isabel : tao ? di ko gets parekoy .

elijah : slow mo kasi . ang ibig kong sabihin . sa likod ng pangit na panlabas nagtatago ang tunay na  kagandahan .

 = sabay hawi nya sa grupo ng halaman . pinalapit nila kami . halos mahulog na ang mata namin ni insan sa gulat nung makita namin ang tinatago ng pangit na playground na yun .

me : isang garden ?!

isabel : hindi ko alam may malafairy tale na garden sa school natin ?

me : kelan nyo nahanap ito ?

isabel : kelan pa ito dito ?

justin : whoa ! easy lang mga girls ! isa-isa lang ang tanong . una , kami ang gumawa ng garden na ito . pangalawa , 3 months namin ito pinagawa ng palihim , pangatlo , ginawa namin ito para sa inyo .

elijah : nagustuhan nyo ba ?

isabel & me : gustong - gusto !! 

me : grabe ang ganda .

elijah : tara itutour namin kayo .

 = hinawakan ni justin ang kamay ni insan at naglakad na palayo . nakatitig lang ako sa kanila . ang sarap siguro ng feeling pag may nagmamahal sayo ng higit pa sa isang kaibigan . ang swerte ni insan nakahanap na sya ng true love nya . sana ---

elijah : EHEM !!

 = di ko namalayan na kami nalang pala ni elijah ang naiwan dito sa entrance .

me : uh -- s-sorry . natutuwa lang ako kasi masaya na si pinsan .

 = grabe nakakahiya . sana hindi nya maisip na naiinggit ako kay insan .

elijah : pwede ko ba hawakan ang kamay mo ?

me : huh ? ang kamay ko ? bakit ?

elijah : w-wala lang . naisip ko lang ... kainggit kasi yung dalawang yun oh ! may kaholding hands 

me : pero -- hindi ba parang nakakailang naman . hindi naman tayo magboyfriend para magholding hands .

elijah : oo nga . pero -- mag-- magbestfriend naman tayo diba ?

me : bestfriend ?

elijah : oo . bestfriend , kaya walang malisya yun . bestfriend tayo ehh . ano ? pwede ba ?

me : huh ? uhh .. s-sige .

 = bigla syang ngumiti at hinawakan ang kamay ko . ang lambot ng kamay nya . 

elijah : halika na .

My PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon