Pauline's POV
= Hi I'mPauline! A simple girl, highschool student, smart, top ako palagi ng class namin. sporty, naglalaro ako ng badminton, track and field and volleyball, pero sa volleyball ako nag-stick kasi andun ang ultimate crush ko. Si Elijah magaling na volleyball player. walang makatalo sa kanya . god nga ang tawag sa kanya kasi undefeated sya. pero down-to-earth sya. medyo masungit nga lang sya. pinipili lang nya kung sino ang kakaibiganin nya. at isa na ako dun! hahaha. kaibigan din ni elijah ang pinsan ko na si isabel. sila ang madalas na magkateam. kapag silang dalawa ang magkasama, asahan mo magiging masaya ka. malakas ang trip ng dalawang yun. may isa pang kaibigan si elijah, si justin, madalas din namin syang kasama. ay mali! madalas nyang kasama si pinsan. inaasar nga namin sila ni eli eh. ang saya namin kapag magkakasama kaming apat .
Isabel: oy couz! bakit ang lalim ng iniisip mo?
Me: ha?
Isabel: sabi ko bakit ang lalim ng iniisip mo? may problema ka ba?
Me: wala! iniisip ko lang si eli. waaaah!!! >.<
Isabel: hala! kinikilig ka na naman dyan. baka mamaya himatayin ka na dyan
Me: sobra ka! hindi naman...
Andito kami ngayon ni pinsan sa court. napaaga kami ng 1 hour sa practice kaya kami pa lang ang tao dito. kaya itong si pinsan medyo badtrip kasi wala pa daw yung parekoy (Elijah) at bro (Justin) niya.
Isabel: insan naman kasi eh. ang aga natin oh! wala pa tuloy ako magawa dito.
Me: magpractice ka muna mag-isa.
Isabel: ayoko nga!! gusto ko may kalaban ako... ayaw mo naman kasi nirereserve mo yung lakas mo para kay Elijah
Me: oy bruha!! may makarinig sayo!!
Isabel: " WALANG MAKAKARINIG SAKIN DITO TAYO LANG TAO DITO EH!! KAHIT ILANG BESES KO PA ISIGAW PANGALAN NI ELIJAH WALANG MAKAKARINIG ---"
Tinakpan ko ang bibig ni pinsan. Isigaw ba naman talaga yung sasabihin nya? psh.
Eli:bakit mo ko tinatawag parekoy ?
me: eli..
napabitaw ako kay pinsan kasi biglang sumulpot mula sa kung saan si Eli kasama si justin. nasabi ko bang parang kabute ang dalawang ito?
me: kanina pa ba kayo?
Elijah: hindi. kadarating lang namin. narinig ko lang yung pangalan ko. bakit?
tinitigan ako ni pinsan. may evil plan ang bruhang ito. umiling ako sa kanya. ngumiti lang sya sakin tapos ay nilipat ang tingin kay Elijah.
Isabel: wala parekoy. miss lang kita.
Justin : sya lang namiss mo?
Isabel : wag ka nga sumingit dyan justin. epal ka na naman.
Justin : sige! tratuhin mo ko ng ganyan. ouch ha. ang sakit sa puso.
Isabel : sapak you like?
lumapit si justin kay isabel at inakbayan ito. natawa naman bigla si Elijah.
justin : bro naman. maging smooth ka naman sakin oh. ang ganda mo sana eh, brutal ka lang.
Isabel: " maganda SANA pala ah . "
= biglang sinuntok ni isabelle ang tyan ni justin . napahawak si justin sa tyan nya at umarteng nasaktan . alam nyo guyz , lambingan lang nila yung sapak thing na yun . hahahaha