* pauline's POV *
= nasa school na ako . mag-isa ako ngayon si insan kasi susunduin daw ni justin . may pag-uusapan daw sila . dumaan ako sa court wala pa dun si elijah . kadalasan ganitong oras andun na sya . bakit kaya ? aabsent ba sya ?
samuel : hi pauii ! goodmorning ! ihahatid na kita sa room mo .
me : samuel , leave me alone ! kumukulo pa rin hanggang ngayon ang dugo ko pag nakikita kita .
samuel : kaya ko nga ito ginagawa para makabawi sayo . para makuha ka ulit .
= napatigil ako sa paglalakad .
me : makuha ulit ? anong akala mo saken ? laruan ? na basta - basta mo lang itatapon tapos babalikan mo ulit pag wala ka ng ibang mapaglaruan ? tigilan mo na ako samuel ! masaya na ko sa buhay ko ngayon . please wag mo na sirain yun .
samuel : ayoko ! akin ka lang pauline deguzman ! akin ka lang . kaya hindi ako titigil hangga't hindi kita nababawi sa sinumang nakaagaw sayo .
me : sa---
= magsasalita na sana ulit ako nang biglang sumingit si elijah .
elijah : tingnan natin kung kaya mo sya bawiin sakin ?
= huh ? ano daw ?
samuel : sino ka naman ?
elijah : ako lang naman ang boyfriend ni pauline .
= sabay hawak sa kamay ko . tapos bigla nya pang hinalikan ang kamay ko .
elijah : goodmorning wifey . sorry kung di kita nasundo . nagpaantay pa kasi si justin ehh may sasabihin daw .
me : uhh .. o-okey .
= whoa ! nananaginip na naman ba ako ?
samuel : so ? ikaw pala ang ipinalit nya sakin ? Samuel Gatchalian nga pala .
elijah : elijah . elijah mendoza .
= tapos nagshake hands sila . ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila . alam nyo yung sa anime ? yung may kuryenteng nalabas galing sa mata nila pag nagagalit ? basta yun na yun . may nakikita na kong ganun . grabe katakot . may black aura na rin akong nakikita kay elijah .
justin : ehem ! masyado ng mahaba ang shake hands na yan ! tama na ! mababali na ang buto nyo !
= hayy buti naman at dumating na din ang dakilang referee . binitiwan na nila ang isa't isa .
isabel : samuel ? so its true . andito ka nga .
= anong kala mo sakin ? sinungaling ?
samuel : yep . and im back for good .
isabel : if you say so . your back for my cousin . that wouldn't be so easy for you Samuel .
samuel : everything is easy for me .
= ayan na naman si samuel . umaandar na naman ang kayabangan nya .
elijah : may the best man win nalang .
samuel : yeah . may the best and handsome man win .