Chapter 7 part 1: Nightmare

29 4 0
                                    

CHAPTER 7 (1/2)

LAVI's POV

[a/n: nakanang! Big time ang lolo! sa kanya kasi ang buong kabanatang itechiwa! hahaha lamunin mo yang kabanata mo Lavingbingot! :9]

kanina noong hawak ko yung kamay niya habang pauwi kami ramdam ko talagang nangingig siya. takot na takot. sukdulan ba ang takot niya sa mga humahabol sa kanya? dun sa mga unggoy na buntot ng buntot sa kanya? oo seyosong bagay yung pagsunod-sunod sa kanya kanina nung taong walang magawa sa buhay pero bakit sobra naman yata?

pagkatapos na pagkatapos namin kumain ni Nemo, pinatulog ko na siya. ewan ko ba, kahit na tapos na yung nangyare kanina at nakauwi naman kame ng buhay dito sa bahay e namumutla at nanginginig parin siya. aish! baka naman di pa makaget-over? oo nga, baka yun nga siguro..

nang matapos akong gawin ang mga bagay-bagay, dumiretso na ako sa kama at humiga. sinubukan kong matulog kaso ang problema hindi ako makatulog. iniisp ko parin yung mga nangyare kanina lang.

ako ba talaga yun? parang ang yabang ko para bantaan yung lalake kanina.

iniisip ko parin kung bakit sobrang takot na takot si Nemo. iba kasi talaga yung takot sa mata niya. parang hindi lang 'toh yung unang beses na nangyare sa kanya yun. bakit kaya?? 

.

ARGG!!! Nemo patulugin mo na ko! bukas ko na nga lang itatanong..

z

z

z

z

z

z

.

.

.

.

"AISH!! nakatulog ba ako? nakapikit lang ako e!" 

tiningnan ko kung anong oras na. ayos 12:16 -__- gusto ko na talaga matulog..

bumaba muna ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. ewan, nauhaw ako bigla. pagkatapos kong uminom umakyat na ako ulit, nagbabakasakaling makakatulog ako kaagad pagkahiga ko.

numaakyat ako sa hagdanan nung may biglang..

"*sniff* h-huhu.. mama.."

O___O

babae? boses yun ng babae diba??

HALA.. b-baka.. baka w-white.. 

"mama..*sniff*"

WHITE LADY??????!!

Sh*t! kelan pa nagkaroon ng white lady dito sa bahay??!

dali-dali akong umakyat. at noong bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ko para magtago, kahit lalaking lalaki ako takot parin ako sa mga multo noh!

"m-mama, nasan ka na?? *sniff*"

napalingon ako kaagad sa katapat na kwarto. loko ka Lavi si Nemo yun!! munta ka anong white lady??! 

inumpog ko ang ulo ko sa pintuan. ang tanga ko kasi

lumapit ako sa kwarto ni Nemo. naiwan niya tong nakabukas. haynako Nemo, lalake ako baka nakakalimutan mo, ingat-ingat din pag may time. -___- wag kalimutan i-lock ang pinto 

sumilip ako sa kwarto niya.. at.. bigla na lang siyang

"dad!! si mama??! bakit hindi natin siya kasama?? *sniff* nasan na siya??"

Sh*t!! binabangungot?? binabangungot ba siya??

O__O

mas lumapit ako sa kanya.

tragis! umiiyak siya habang hinahampas-hampas ang kama niya habang nakahiga..

"DAAAD!!! waaa tulong po!! w-waaag! *sniff* wag po pakiusap!! daaad! tulungan mo ko!! *sob*"

napatakbo ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat at kinalog siya para magising. LAKI MONG TANGA LAVI!! pinanuod mo pang bangungutin alam mo namang masama ang binabangungot!

"H-HOY NEMO!! GISING! tahan na nandito na ako. ano bang nangyayare sayo?? GISING!!"

tumigil siya sa pag-iyak at unti-unting minulat ang mga mata niya.

"D-Dad??"

"si Lavi toh. gising ka na ba??" half asleep pa yata. ano ba nangayayre dito?

pumikit-pikit siya tapos tumingin ng mabuti sakin

"Lavi.. Lavi??"

"oo ako nga. tsk ano ba tahan na, itigil mo na yang pag-iyak mo." sabi ko habang unti-unti siyang niyakap. shit naman, hindi ako marunong magpakalma ng tao lalo na sa babae! 

"s-sorry *sniff* sa sobrang takot ko kanina *sniff* bumalik na naman yung bangungot na palagi kong nakikita noon pa *sniff* nakakatakot Lavi..sobra." sabi niya habang lalong humihigpit ang pagyakap niya sakin. Nemo chansing na yan.. aish! ano ba pumapasok sa isip ko langya

"ssshhh tahan na. wala na yun, wala na siya. wag ka na matakot ok?? kasama mo naman ako eh, akong bahala sa'yo"

Master X Monster (Slow-mo Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon