Buhay Nerd Part 2

110 3 0
                                    

Daryl Adelrich Delgado's POV

*RRRIIIIIINNNNNGGGGG*

(A/N:tunog po yan ng alarm clock..hehe.. ^_^V)

Umaga nanaman...tsk..=.=

Pagkabangon ko naligo na kagad ako at nag ayos.. as usual nerd nanaman ako ngayon...-_-

(See picture sa side---->)

Mag-isa lang ako at may sariling condo. Dito ako tumutuloy pero binibisita ko pa naman sila mama sa bahay namin.Nag-init nalang ako ng pagkain sa microwave kasi tinatamad naman ako magluto at malelate na ako.Malapit lang naman yung school ko kaya lalakarin ko nalang.Habang naglalakad naman ako magpapakilala nadin ako.Ako nga pala si Daryl Adelrich Delgado at Daryl Ponce naman pag gabi..OY!!! hindi ako bading ha! Kelangan ko lang palitan yung pangalan ko dahil sa.....basta!

18 years old nadin ako at 3rd college sa Fatima University.

Mayaman naman kami pero konti lang ang nakakaalam nun..Halos kamag-anak lang namin.Sa school naman isa lang akong nerd na palaging binubully at inuutusan.Pero ang pinaka nagpapahirap sa akin doon ay ang grupo ni Claire. Sila talaga ang palaging nang aapi sa akin.

Apat sila sa kanilang grupo. Ang leader nila ay Anna Claire Cruz tapos yung tatlo naman ay sina Thyra Lopez,Ashley Roxas at si Jessica Agnes.Oo nga magaganda sila pero ang ugali naman nila walang wala na.Hindi lang naman ako yung inaapi nila pero kapag nakikita nila ako walang katapusang utos naman yung binibigay nila sakin.Dahil din sa kanila kaya ako nagiging Daryl Ponce pag gabi.Gusto ko lang naman maghiganti sa kanila kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko.

Nakarating na ako sa Campus namin at kapag sinuswerte ka nga naman ay kaka-baba palang ng grupo ni Claire sa kani-kanilang sasakyan.

"Patay nanaman ako nito... =.=" sa isip ko habang dahan dahan naglalakad paalis para hindi nila mapansin.Pero kapag nga naman ikaw yung trip ng araw ngayon eh....

natalisod pa ako at nadapa..Nagbagsakan naman yung mga dala kong libro na naka-agaw ng pansin sa kanila.

"HAHAHA... Nerd talaga oh.."-Thyra

"Ano ba naman yan tatanga tanga naman kasi ohh... hahaha..."-Ashley

"Hahahaha...Nagpapapansin nanaman yang nerd na yan..Pero ok ha?! Agaw pansin talaga! hahaha..."-Ashley

"Haha.. Di nyo naman kasi tinutulungan eh...haha..."Sabi ni Claire sabay lapit sakin at abot ng kamay nya.Hindi ko nalang yun kinuha kasi alam ko namang may gagawin sya kapag ng yari yun.

"Girl!Ayaw pa kuhanin oh!! Choosy pa si nerd!Teka ito ba yung pinagawa namin sayo?"sabi ni Thyra at lumapit dun sa mga librong nakakalat.Madami kasing nakaipit na papel dun kaya natanggal nung bumagsak. Sakto naman na kita yung papel nilang apat dahil nasa bandang unahan ito.

"A-ahh.. Oo yan yung sa inyo.."Sagot habang nakayuko at yung boses ko ay parang takot na takot sa kanila.

"aahhhh.....OK!"sabi ni Thyra sabay kuha dun sa mga papel nila at binasa.

"Hindi na masama.."-Thyra

"Oh? tapos naba yang pinag uusapan nyo ng walang kwentang nerd na yan??Malelate na tayo like duuhhh~!"sabi ni Jessica na naka cross arms pa.

"Ay oo nga nuh...Malapit na magstart yung klase.." -sabi ni Claire na nakatingin sa orasan nya.

"O sya! let's go girls!!Bye loser nerd!"si Claire sabay flip pa ng buhok nya pero nakakainis kapag nakita mo. Napaka ARTE! tsk tsk!

Pero ang mas nakakainis ay nung naglakad sila ay tinapakan nila yung mga libro at papel na nakalaglag kasama din dun yung ipapasa ko kaya naman madumi na.. haysss..-_- Pagkatapos nilang daan yung mga gamit ko ay pinulot ko na ito at nagmadaling pumasok sa room namin..Wala pa naman yung prof namin kaya naman nalinis ko pa ng kaunti yung iipapasa ko.Mag-aayos pa ako ng gamit kaso nga lang..

"Good Morning class"

"Good morning sir" sabi namin at nagsimula na ang klase namin.

*LUNCH*

Lunch na namin.. Wala naman nangyari eh..puro discussion lang pero ang problema ko ngayon ay hindi pa ako kumakain malapit ang next class ko pano ba naman kasi...!

"Ano ba?! Kanina ko pa sinabi na ikuha mo ako nyan pero 10 mins. na ang nakakaraan ngayong mo lang dinala?!"Sabi ni Ashley sabay tabig sa hawak kong ice coffee.Natapunan tuloy ako pero hindi naman lahat.Natalsikan din ang sapatos na suot ni Ashley kaya naman nagalit pa lalo to.

"Aish!!Naman oh!!Ano bang problema mo at tatanga-tanga ka ng ganyan?! Punasan mo ng yung sapatos ko!"sabi ni Ashley habang itinaas ng kaunti yung paa nya.Pupunasan ko na sana ng tissue kaso nga lang...

"Sandali!At sinong may sabi na iyang tissue ang ipamunas moh??Gusto ko yung damit mo ang ipamunas mo dito!Bilis at nangangalay na ko!"-Ashley

Hinila ko naman yung damit ko at pinunasan yun..Alangan namang hubadin ko yun sa harap nila at makita pa nila ang ABS ko! *Grin*

Bale yung laylayan ng damit ko ngayon yung madumi.

"Yann...Aayusin mo kasi.."sabi nya sabay baba ng paa at tuloy kumain.

"Oi!nerd!Kuhanin mo nga yung order kong slice ng cake dun!" sabi ni Jessica at pinuntahan ko naman kagad kasi malayo yun at hindi pa tlga ako kumakain.

Pagdating ko naman dun sa store bumili nadin ako ng tinapay para naman may makain na ko habang naglalakad.

Nakarating ako sa table nila Claire at binigay naman yung cake na pinakuha ni Jessica.Buti nalang at naingatan ko yun dahil kapag may icing na dumikit sa lalagyan nun baka kung ano pang mangyari.

"Sige na panget na nerd! Lumayas kana dito at tapos kana naman namin utusan.Hindi kami makakain ng matino pag nandito ka.Nakakasuya kasi yung pagmumukha mo." sabi ni Ashley at ako naman ay naglakad na paalis.

"Tandaan mo Ashley sa susunod ikaw naman ang mapapahiya at masasaktan.."

The Nerd and The Player (Ay Iisa?? Wait!! Parehas pa sila!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon